August 25, 2025 | 12:00am
Tuloy pa raw ang paghahanap ng bahay nina Jericho Rosales and Janine Gutierrez.
Lilipatan daw ito ng magkarelasyon.
Ahhh ikakasal na kaya sila? O engaged na?
Well, hindi na naman sila mga bata at pwede na nilang gawin ang gusto nila.
Forty-five years old na si Jericho at 35 si Janine.
Pwede na silang pakasal kung annulled na ang actor sa ex-wife niyang si Kim Jones na isang Australian-British fashion influencer and digital creator – ikinasal sila noong 2014 at naghiwalay after five years.
Si Janine naman ay matagal na ang huling karelasyon, si Paulo Avelino pa.
Samantala, abala ngayon si Jericho sa pagpo-promote ng historical biopic ni Pangulong Manuel L. Quezon na ipapalabas sa mga sinehan sa Oktubre 15.
Inamin ng actor na pinag-aralan niyang maigi ang character ni Quezon at dumaan siya sa grabeng research at paghahanda para sa nasabing character
