May WTFu na, May FUtok pa!


NakNgFU — Mr. FU — Pilipino Star Ngayon

September 18, 2025 | 12:00am

Nang dahil sa ilang taon na naming ginagawa ang Youtube channel kong WTFu, naging identified na ako sa pag-i-interview ng mga hunks. (‘di naman ako nagre-reklamo!) Maraming pagkakataon na kapag nasa pampubiko akong lugar, lalapitan ako ng mga beki para magpa-picture at sasabihing pinapanood nila ang WTFu. (in fairness minsan may mga babae rin ha!) Nagpapasalamat kami sa patuloy na pagsuporta ng subscribers at viewers. Tuloy-tuloy lang tayo! (dahil sa WTFu, nagsisikskan ang mga wild at gwaFU!)

Kaya hindi na rin ako nagtataka kung minsan naghahanap ng boys ang mga viewers ko sa isa ko pang show na The Futok Show sa TikTok. (mga hayok din kasi!) Pero ang konsepto talaga ng show na ito ay pagbibigay ng love advice on air. (bilang maraming emotera ngayon!)

Sinimulan talaga namin ito na may mga “love letters” at bibig-yan ko ng advice at hihingan ng komento ang mga viewers. Ginawa naming ala TV show o radio program. (feeling major network!) Ok naman ang naging pagtanggap pero parang may hinahanap sila. (malamang boys nga!)

Kaya sinubukan namin na maging “anything goes”. Walang naka-sche-dule na topic per episode.

Ang pag-uusapan ay depende sa comments ng viewers. (kahit walang wawa, go!) Dun namin na-realize na, ganyan ang gusto nila. (kaya ibigay ang hilig!)

Ang nakakatawa lang dahil nga sa alam nilang palagi akong may boys sa WTFu, gusto nila meron din sa The Futok show! (demanding ha!)

Bilang ang studio namin ay katabi ang mga studio ng mga live selling events. Inuutusan ko ang mga assistants kong sina Emily at Kimberly na maghatak ng lalaki sa kapitbahay. (minsan sila na nagkukusa!) Simple at maigsing chikahan lang with the boys. (bilang wala naman talent fee! Sa WTFu meron ha!) Hindi ito katulad ng WTFu na naughty at daring. (exclusive ang ganung konsepto sa WTFu!)

Nakakaaliw lang kasi kahit saglit lang ang exposure ng ilang boys na ito, hinahanap hanap sila. (wholesome boys ang mga ito, hindi WTFu hunks level!)

Ilan sa pumatok sa viewers namin ay sina Tristan at Kyle na tandem kung um-appear sa show. (bagets incorporated!) Nandyan din si Jhet na binansagang 5.5 boy (may kwento ang sukat na ito!) at ang look alike ni Dennis Trillo na si Charold. (feeling ko minsan ako si Jennylyn Mercado!)

Nakakatuwa rin dahil ilan sa mga celebrities ay nagpaparamdam din sa show habang naka-live kami tulad nina Sandro Muhlach (na napilit kong mag-live appearance!) , EA De Guzman (bago sila nag-honeymoon ni Shaira!), Xander Ford (na ayaw ispluk kelan ang take 2 ng pagreretoke nya!) Jam Magno (na naloka ako sa reactions ng viewers!), Iwa Moto (kahit busy sa live selling!) at JM de Guzman (na schoolmate ko pala sa isang exclusive for boys school! Feeling Donnalyn ako!)

Ang The Futok Show ay live sa TikTok ng Mondays and Thursdays, 1145pm habang regular na napapanuod sa youtube ang WTFu. ( ako na ang back to back..la!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe.

Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com