Ex-beauty queen, ikinonek kay Tom!


Kaloka na may nadamay pa raw pala na beauty queen sa pag-post ni Tom Rodriguez ng family photo nila na hindi kita ang mukha ng kanyang mag-ina.

Dahil nga mas naintriga pa ang mga follower niya kung sino nga ba talaga ang kanyang partner, pilit nilang ikinonek iyon sa ex-Miss Universe Philippines Cebu na nagngangalang Chella Falconer.

Nagkataon kasi na sabay silang nag-post kung saan ang ex-beauty queen ay naglantad din ng kanyang baby boy.

Matagal daw kasi niyang itinago ang anak niya na isinilang niya noong nakaraang taon para protektahan ito.

At nang handa na nga siyang ilantad iyon ay hindi niya rin siguro inakalang maikokonek iyon sa actor lalo na at wala naman iyong binanggit na ama ng anak niya.

Makikita kasi sa mga komento na binabanggit siya ng mga marites kaya naman mas marami pa ang nang-stalk sa kanya at inakalang siya nga ang partner ng ex ni Carla Abellana.

Kaya nang hindi niya na kinaya ay nag-post na ito at nilinaw na hindi siya ang partner ni Tom atnakiusap siya na itigil na ang pagkakalat ng maling impormasyon.

‘Kaloka.

Na totoo nga naman na hindi siya dahil makikita sa mga kumalat na photos ni Tom kasama ang kanyang partner ay marami iyong tattoo sa braso na wala naman sa dating beauty queen.

Ang ibang marites kasi kung makapagsalita ay akala nila alam nila ang buong kwento sa buhay ng mga celebrity.

Ayan, kasi naman mga pakialamero.