September 28, 2025 | 12:00am
Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Filipino from all over the world ang recent win ng Fil-American singer-songwriter na si Jessica Sanchez (30) bilang grand winner ng ika-20th season ng America’s Got Talent (AGT) which was officially announced ng AGT host na si Terry Crews nung gabi ng Sept. 24, 2025 (U.S. time), almost the same time nang ideklarang winner sa fashion design reality competition sa Amerika, ang Project Runway Season 21 ng Filipina trans woman fashion designer na si Veejay Floresca (40) at ang panalo bilang pangalawang Mister International 2025 in Thailand ng nakababatang kapatid ng model-actor na si Clint Bondad na si Kirk Bondad (28) na isang Fil-German.
Three in-a-row ang panalo ng Pilipinas sa loob lamang ng 24 oras. Ito’y labas pa sa sunud-sunod na panalo at record na naitatala ng Filipina tennis star na si Alex Eala (2) sa World Tennis Association.
In less than two weeks’ time ay nakatakdang isilang ni Jessica ang first baby nila ng kanyang husband na si Rickie Gallardo na isang lighting technical.
Kakaibang pressure ang naramdaman ni Jessica during the competition dahil sa kanyang pagbubuntis. Pero sa kanyang pagkasorpresa, behaved ang kanyang baby sa loob ng kanyang sinapupunan kaya lalo siyang nakaramdam ng challenge na lalong pagbutihin ang kanyang performance mula sa audition down to the grand finals. At hindi naman siya nabigo.
At age 30, tiyak na malayo pa ang mararating ni Jessica.
Nagpasalamat si Jessica sa lahat ng mga sumuporta sa kanya throughout her AGT journey including her Filipino fans maging ang four judges na sina Simon Cowell, Sofia Vergara (na nagbigay sa kanya ng dalawang golden buzzer), Mel B. at Howie Mandel maging ang host na si Terry Crews.
Samantala, pumangalawa kay Jessica ang freestyle rapper na si Chris Turner at 3rd place naman ang singer na si Jourdan Blue sa AGT Season 20.
