February 27, 2025 | 12:00am
Bongga naman ng mga review ng pelikulang The Caretakers.
Kundi lang mahina ang katawan ko, pupunta talaga ako sa sinehan at papanoorin ko ang pelikula nina Iza Calzado and Dimples Romana.
Pero sadly, once a week na lang akong pwedeng lumabas sabi ng aking doktor dahil sa aking kalagayan.
Well, ‘yan ay kung maniniwala ako sa aking mga doctor.
Hahahaha.
Ang Regal at Rein Entertainment pa naman ang producers nito na pareho kong mahal ang may-ari na sina Roselle Monteverde at Lino Cayetano.
Sana naman ay maraming manood ng pelikula nila at pilahan dahil nga ang dami kong nababasang magagandang review.
Ang hindi ko naramdaman ay ang pelikulang Everything About My Wife nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado and Sam Milby?
Palabas na ba ‘yun?
Ba’t kaya walang ingay eh kagagaling lang ni Dennis sa Metro Manila Film Festival Best Picture na Green Bones?
Hay naku hanggang bahay na lang talaga ako.
Hahahaha. Pero ok na rin busy naman ako sa pag-o-order ng masasarap na pagkain.
Hahaha.
Awra, pikon na kinukumpara sa macho
Ano ba ‘yan parang walang katuturan naman na sinagot ni Awra Briguela ang mga netizen na nang-ookray at tinawag siyang Bronny James, na anak ni Lebron James.
Nasasaktan daw siya at nagpaalala siya na merong hangganan at boundaries ang lahat.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong okrayan ba ‘yan.
Basta kung ako sa kanya, dedmahin na lang niya ang lahat dahil common knowledge na habang pinapansin ang mga netizen na, lalo lang siyang bubuwisitin.
Eh ano naman kung ikumpara siya sa basketbolista? Eh mukha naman talaga siyang macho. Joke… hahaha.
Hay naku, basta naalala ko si Awra sa insidente sa isang bar sa Poblacion, Makati.
