Freestyle at Neocolours ibabalik ang alaala ng 80s!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 9, 2025 | 12:00am

Kung hirap ang local films na pabalikin ang mga manonood sa sinehan, iba naman ang eksena sa concert scene.

Na kahit mga veteran, aktibo na ulit.

Like Freestyle na medyo nag-chill sa eksena — mula sa kanilang heartfelt ballads to chart-topping anthems — pinatunayan naman nila na that their music never goes out of style.

This September, Newport World Resorts, in cooperation with NY Entourage, proudly honors this legacy with It’s About Time Freestyle concert featuring special guest Neocolours sa September 19, 2025, 8PM at the Newport Performing Arts Theater.

Ang Freestyle ay isa sa legendary bands that ever hit the local scene with a diversity of pop, R&B, hip-hop, and other genres in their discography.

Sumikat sila noong dekada 90 sa mga kantang Before I Let You Go at So Slow.

Noong 2022, nag-reinvent ang grupo na naging all-male band na may limang miyembro kasama na ang orihinal na bokalista na si Top Suzara.

Kasama sa mga kasalukuyang miyembro ng banda sina IJ Garcia sa keyboard, Ian Tan sa bass, Francis Manalo sa gitara, at Gibson Viduya sa drums.

Anyway, ngayon pa lang ay itinuturing na nilang epic night ang It’s About Time Freestyle concert sa pagsasama nila ng Neocolours na kabilang sa mga orihinal na komposisyon ang Tuloy Parin, Maybe, at Hold On.

Kaya’t ang pagsama sa concert ng Neocolours ay magdaragdag ng isa pang layer ng nostalgia sa nasabing concert na pambihirang pagkakataon para sa mga manonood to experience two generations of iconic Filipino acts on one stage.

Available na ang mga tiket sa lahat ng Ticketworld outlet: PHP 6,300 (platinum), PHP 5,400 (SVIP), PHP 4,500 (VIP), PHP 3,500 (GOLD), PHP 2,00 (silver), at PHP 1,000 (bronze).