September 28, 2025 | 12:00am
Nanawagan ang mga bida ng mga bagong iWant Original series na sina Emilio Daez (Love at First Spike) at sina Fyang Smith at JM Ibarra (Ghosting) sa publiko na huwag suportahan ang pirated content at manood lamang sa iWant.
Kasunod ito ng pagkalat ng episode ng kanilang series na Ghosting at Love at First Spike sa mga ilegal na websites at pagkalat ng mga piniratang bidyo sa social media, ilang oras lang matapos ang bawat official release nito sa iWant.
Nagpasalamat sina Fyang at JM sa mainit na pagtanggap at suporta ng fans sa kabila ng pagiging baguhan nila sa industriya.
Nagpaalala sila na malaking kawalan din para sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera, hindi lang sa kanila, ang pagtangkilik sa mga pirata.
“Streaming legally means everything to us. Not just for the cast, but for the writers, the crew, the director—everyone who trusted us even though we’re just starting out,” ayon kay JM.
Hirit naman ni Fyang, “‘Yung mga nanonood ng pirated, sila rin ‘yung laging na-go-ghost? Huy! Walang gano’n!”
Samantala, binigyang-diin naman ni Emilio, kasama sina Sean Tristan at Reign Parani, kung gaano kahalaga ang bawat legal na panonood, lalo na para sa mga kwentong sumasamin sa buhay ng kanilang manonood.
Aniya, “We “poured so much of ourselves into Love at First Spike. So if it meant something to you—if you saw even a small part of yourself in it—the best way to show love back is to stream it legally on iWant.”
Sa halagang P35 bawat buwan sa Pilipinas, handog ng iWant ang abot-kayang access sa mga eksklusibong palabas, paboritong original series, teleserye, at live stream.
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Samantala, patuloy na gumagawa ng pangalan sa industriya si JM.
“While working on Ghosting, bago pa lang namin simulan ‘yung project, bukas na ‘yung puso ko doon.
Nag-eenjoy na ako sa trabaho, sa screen partner ko na si Fyang, at naging open ako sa lahat ng aral na puwede kong makuha. Gano’n lagi ginagawa ko tuwing may bagong project na dumarating,” sabi ni JM sa Spotlight presscon.
Ikinuwento rin niya na nananatiling matibay ang off-screen bond nila ni Fyang: “We’re happy. Simula noon hanggang ngayon, hindi nabago ‘yun. Mas nagle-level up pa ang happiness every time na magkasama kami at magkatrabaho.”
Matapos ang tagumpay ng Ghosting, maaari nang abangan ng fans ang kumpirmadong pagbabalik ng Part 2 nito sa Nobyembre.
Higit pa rito, naka-line up na rin para kay JM ang isang malaking milestone sa kanyang career bilang bida sa pelikulang Child No. 82, Anak ni Boy Kana, official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2025.
“Dumating ako sa set na may pressure at kaba. Pero ang maganda, guided ako ng buong production team mula simula hanggang matapos ang taping days,” kwento ni JM.
Tungkol sa kanyang role, ibinahagi niya: “It’s a social issue, kaya marami makaka-relate na Pilipino. Tungkol din ito sa family issue. I think humahapyaw din siya sa current issue ngayon kasi si Max, ‘yung character ko, ay illegitimate child ng isang kilalang indibidwal na si Boy Kana. So technically, isa siyang… unacknowledged nepo baby.”
Mapapanood ang Child No. 82, Anak ni Boy Kana sa Cinemalaya 21 mula Oct. 3–12, 2025 sa Red Carpet Cinemas, Shangri-La Plaza, na main venue ng festival.
Bukod dito, mas palalawakin pa ng tambalan nila ni Fyang ang kanilang audience dahil kabilang sila sa main cast ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, ang pinakabagong installment ng Regal Entertainment ng iconic horror anthology.
Sa sunud-sunod na proyektong ginagawa niya, patuloy na pinatutunayan ni JM Ibarra na isa siya sa pinaka-promising young actors ng kanyang henerasyon—passionate sa kanyang craft at dedicated sa fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.
