“It’s a new generation of audience already,” pahayag ni Direk Lauren Dyogi sa naging tagumpay ng huling edition ng Pinoy Big Brother : Gen 11 na susundan ngayon ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ng GMA 7 at ABS-CBN.
“Actually we’ve proven that with last season…Nagulat kami dun sa high interest. Iyon ‘yung mga bata pa. Siguro teens o pre-teen na ngayon pwede nang sumali sa show. Sila na ‘yung Gen Z and mga late millennial,” komento niya sa amin.
Big winner ng huling edition ng PBB : Gen 11 si Fyang sa historic finale bilang most-watched show online via YouTube and Facebook, na umabot sa over 2.2 million combined concurrent views.
Ngayon, one of the most in demand endorser si Fyang.
“Kaliwa’t kanan and ‘yung timing din ng election so, ang dami rin nilang raket sa mga probinsya. Swerte ‘yung batch na ito. It was very financially lucrative for them,” sabi pa ni Direk Lauren.
Anyway, inaasahan na ba niya ang bardagulan ngayon ng fans ng Kapuso at Kapamilya?
“Pero regardless naman of the affiliation, they’re all in the industry, mga anak ng industriya. Hindi na nga kami network eh. So technically, everyone is an artista. Everyone is a celebrity. So doon na lang ‘yung basehan natin. So para ka lang nagsama-sama ng galing sa iba ibang rehiyon and galing sa dalawang malaking kompanya. It’s also something we’re very excited about,” paliwanag naman niya tungkol sa aabangang collab.
Anyway, nabanggit din niya na isang madaling desisyon ang sumang-ayon sa ideya na pagsama-samahin ang mga artista ng Sparkle at Star Magic para sa palabas: “Sa tingin ko ito ay isang natural, madaling desisyon. The artists joining this collab will make them build better affinity with the audience, so parang hindi mahirap pagdesisyunan ‘yon,” dagdag pa niya na talagang walang binigay na clue kung sinu-sino ba ang magiging celeb housemates.
