Gabbi pang-4k nung pumila sa audition, Alden gustong papasukin ni Robi sa PBB


Big surprises. Bigger drama. One unforgettable season.

Ito ang inaasahan ng mga Kapuso at Kapamilya sa inaabangang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na mag-uumpisang mapanood sa March 9.

Sa muling pagbubukas ng iconic Pinoy Big Brother (PBB) may bago itong tahanan, GMA Network.

At magiging hosts—Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee, Melai Cantiveros-Francisco, and Alexa Ilacad kasama ang two of Sparkle GMA Artist Center’s hottest stars, Gabbi Garcia and Mavy Legaspi.

At first time rin na papasok ang mga artista ng Sparkle and Star Magic sa Pinoy Big Brother house.

Will they be able to strengthen their bond as they face this season’s new tasks? Or magkaroon ng mas matinding kumpetisyon?

Bukod sa mga housemate, patutunayan din ni Gabbi kung paano siya makiki­pagsabayan sa mga veteran host ng reality show.

Aminado siya na noon pa man ay gusto na niyang pumasok sa PBB. Pero hindi siya pinalad.

Pag-alala niya : “When they announced it on TV, so literally I was a kid wat­ching the television. In my room, I saw PBB audition na meron. Pwede kang pumila, kahit sino. Niyaya ko na kaagad ‘yung mommy ko,” umpisa niya sa ginanap na media conference noong Sabado ng hapon.

“Sabi ko, mommy, I want to line up, and I want to join. So I lined up; that was in Mall of Asia.

“It was such a long line. I remember 5,000 auditio­nees that day. I was number 3,900-something. So I lined up from 9 a.m. to 5 a.m. the next day,” pagkukuwento niya.

“Yes, ganon siya ka-intense. 9 a.m. to 5 a.m. the next day, and I had to go to school. Nakakaloko, pinapabalik na ako ng mommy ko. Pero kasi I really wanted talaga; I was so curious as a kid to see what’s really going on inside the house.

“And luckily, I got in the first screening. On the second screening, it was here na, inside the bahay of Kuya. Inside the bahay of Kuya? Hindi na ako na-bless na makapasok after that,” dagdag pa niyang impormasyon.

Kaya umaapaw ang kanyang gratefulness na hindi man siya nakapasok noon sa Bahay ni Big Brother, pero ngayon host naman siya.

“It’s such a full-circle moment for me to be able to audition how many years ago, and then right now, I’m standing in front of you as a host. It’s such a full circle. I’m so humbled and I’m so grateful for this opportunity.

“I’m thankful to the bosses of GMA, of ABS-CBN for considering me to be part of this history. And I’m really excited to get to know all the housemates and to get to see the house.

“And abangan pa natin kung ano mangyayari sakin sa takdang panahon. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Si Kuya na ang bahala,” kuwento pa ni Gabbi na maraming beses na rin namang sumabak sa hosting stint.

Taong 2014 nag-umpisang maging Kapuso artist si Gabbi at nakilala sa drama series na My Destiny.

Hindi nagtagal ay nagsunud-sunod ang magagandang break niya at ngayon ay isa na siyang magaling na host.

Anyway, pahulaan pa rin kung sinu-sino ang magiging housemates sa PBB Celebrity Collab Edition mula sa Sparkle and Star Magic.

May nagsasabi na papasok si Belle Mariano as guest housemate para kay Robbie Jaworski, ganundin diumano ang anak ni Sunshine Cruz, at ilang vlogger pero wala talagang silang bini­binigay na clue man lang.

Kaya naman sa ginanap na grand mediacon nito noong Saturday sa Dolphy Theater tinanong na lang ang mga host na given a chance hypothetical, na may special power ni Big Brother na mamili ng housemates, sino ang celebrity na bet nilang pumasok sa Bahay ni Kuya?

Si Robi ang unang sumagot ng : “I’ll go with Alden (Richards) para hello, love, again.”

Hirit naman ni Melai, “gusto ko si Momshie Jols, Momshie Jolina Magdangal  ng Star Magic because that would be fun, para magkaroon naman momshie doon sa loob na paano niya iha-handle ang ating mga celebrities.”

Banggit naman ni Alexa, si Rufa Mae Quinto dahil tiyak daw na panoorin niya ito at gusto niyang makitang magsabi ng “go, go, go!” ang sexy comedienne na kamakailan lang ay nasangkot sa kontrobersyang estafa.

At boyfriend naman ni Gabbi na si Khalil Ramos ang feel ni Bianca na piliin ni Kuya kung sakali at si Mavy ay ang kakambal naman niyang si Cassy.

Sumagot naman si Gabbi nang banggitin ni Bianca ang pangalan ng boyfriend. “Hoy, Khalil, babantayan kita kapag pumasok ka.”