Globe at Beetzee Play, sanib-pwersa sa piso serye


Dianne Canlas — Pilipino Star Ngayon

September 17, 2025 | 12:00am

Gawing nakakakilig na pagtakas, puno ng aksyon na pahinga, o nakakaantig na kwento ang bawat sandaling paghinto sa araw-araw sa pamamagitan ng Globe at Beetzee Play, na nag-aalok ng short, binge-worthy episodes sa halagang P1 bawat isa sa GlobeOne app.

Bilang unang telco sa Pilipinas na nakipagtulungan sa Beetzee Play, mu­ling binabago nito ang mobile entertainment experience. Ngayon, maaari nang magka-access ang GlobeOne users ng seamless streaming, mag-top up nang madali, at gamitin ang Globe Rewards — lahat sa iisang app.

Hindi na kailangang mag-download ng hiwalay na app o mag-sign up sa ibang platform. Buksan lang ang GlobeOne app, i-tap ang Essentials sa dashboard, at piliin ang Beetzee Play. I-register ang iyong numero at simulan nang panoorin ang Piso Serye na kinagigiliwan mo.

Tugon ito sa dalawang sabay na nauuso sa mga consumer ngayon, ang pagtaas ng mobile-first, short-form content at ang panga­ngailangang mas mapalalim ang in-app engagement. Binabago ng Beetzee Play ang dynamic na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis, emosyonal, at relatable na content na partikular na ginawa para sa mobile.

Ipinakilala ng Globe ang pinakabagong serye ng Beetzee na pinamagatang First Things Last sa The Blueprint event noong Agosto 27. Ang kwento ay tungkol kay Lisa, na iniwan ng kanyang nobyo bago pa man ang kanilang dream trip sa El Nido.

Sa kanyang kalungkutan, naghanap siya ng travel companion online na may kaparehong pangalan ng ex niya. Doon niya nakilala si DJ — isang estranghero na sasamahan siyang ma-experience ng tatlong araw ang “firsts for the last time,” kung saan unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng paghilom at sakit, hanggang sa muling kumatok ang nakaraan ni Lisa.

Ang Piso Serye ng Beetzee ay mga bite-sized vertical drama na nilikha para sa mga mobile phone at para sa mga Pilipinong mahilig sa teleserye, laging nasa TikTok o Reels, at mas gusto ang maiikling content.

Kabilang ang Pilipinas sa mga nangungunang consumer ng short drama content sa buong Southeast Asia, na nag-ambag sa mahigit 475 milyong app downloads sa taong 2024.

Ang ganitong hilig sa mabilisang panonood sa mobile ay bahagi ng global trend. Umabot sa mahigit 475 milyon ang downloads ng short drama content sa 2024, at kabilang ang Pilipinas sa mga pinakamasigasig dito sa Southeast Asia.