Gloria Diaz, napagsama ang dalawang lalaki sa buhay


Super in love sa mas bata

“It’s good! Jellytime!,” sagot ni former 1969 Miss Universe Gloria Diaz nang tanungin siya kung kumusta naman ang sex life at her age sa mediacon ng Regal horror movie na Untold last Monday afternoon sa Valencia Events Place. “That’s my daughters’ business,” pahabol niya tungkol sa sinabi niyang Jellytime na isang brand ng lubricant na negosyo ng anak niyang si Isabelle Daza.

This April 5 ay 74 years old na siya.

At ang kanyang birthday wish: “Hmmnn health, wealth, and time to spend it,” sabi pa ni Ms. Gloria na gaganap na ina ni Jodi Sta. Maria sa Untold.

Sa totoo lang, hindi naman siya mukhang 74. Very active ang kanyang lifestyle at happy ang disposition base sa kanyang physical appearance: “Nasa plastic surgery iyan, e!” sabay tawa niya.

Aniya dahil sa pagiging busy, sa mga kaibigan at mga anak niya kaya happy life siya.

“My apos. Ahh boyfriend. But he’s not a boyfriend, I’ve been with him 28 years already,” pahabol pa niya.

Saka ‘di raw siya umiinom o naninigarilyo.

At may exercise siya, massage, steam, makeup, etc.

“I don’t leave any stone unturned. And, of course I’m learning to do social media. You also have to go with the times. Hindi puwedeng, ‘Ayoko na iyan, ayoko!’ You really have to keep up with everything.

“Every day, I ask my daughter, ‘Ano ba itong ganito? Ano ba ito?’ ‘Mom! Yadadadada!’ They get angry. But I try,” sabi niya sa ilang kausap na entertainment writer.

In a relationship si Ms. Gloria, sa mas bata sa kanya for 28 years — Michael O. De Jesus, President and CEO of the Development Bank of the Philippines (DBP).

Eight years lang naman ang age gap nila pero aniya ‘super good’ ang status nila. At nagkasundo raw ito at ang former husband niya. “Sabi ko, I can handle two guys at the same time. Always open your options.”

Besides, nag-mature na rin naman daw ito and “he’s a serious banker.”

Pero wala na raw sa plano niyang pakasal. “Kasi alangan namang naka-white dress pa ako.”

Ang ex-husband niyang si Gabriel Daza III ay pumanaw nung 1994.

Kabilang sa mga naging anak nila si Isabelle and Ava.

“My former husband looks very much like Belle (Isabelle Daza) and Ava. I am very close to my in-laws. I don’t have any real trauma,” sabi pa niya.

Samantala, ayaw naman niya ‘yung training-training-training sa mga beauty pageant sa kasalukuyan.

“Kasi at the end, I’m always a judge. In fact, they talk to me if I can be a judge forever, and the thing is, they all look alike.

“In fact when I do judging, hirap na hirap talaga ako kasi ambilis! Hindi ko na maalala!

“And I also don’t like that they are judged by what they answer. Kasi sometimes, the answer is so complicated I myself always cannot understand what they’re saying. This is not an IQ contest, e, it’s a beauty contest.

“It’s okay with me all the plastic surgery and all that. I don’t care. But I don’t like these very parang genius answers and people think just because you could speak English, magaling ka na. Hindi.

“Sa akin, gusto ko nga, mag-Tagalog sila, e, para it’s more from the heart. Or Bisaya or whatever.

“But ‘yun, ayoko ‘yung masyadong trained na pati turning, pati tingin, pati tayo, I don’t like that, e.

“Wala na… tapos pag-ikot mo sa likod, iba na sila, hindi ba?

“The natural. So I want to see a more natural person,” mahaba pa niyang komento nang tanungin tungkol sa mga sumasali at nangangarap na maging katulad niya.

Anyway, wala sa plano niyang mag-retire sa kasalukuyan. “Nooo. I’m still young. Gusto ko pang mag-travel.”

Iilan na lang nga naman ang mga kaedad niya ang aktibo sa kanilang career.