Pilipino Star Ngayon
August 18, 2025 | 12:00am
Patuloy na kinikilala ang GMA Network sa ibang bansa. Ngayon naman ay nakakuha sila ng dalawang Finalist Certificate sa prestihiyosong 16th Cannes Corporate Media & TV Awards.
Kabilang dito ang GMA Integrated News #Eleksyonaryo: The Dapat Totoo Digital Exclusives campaign na pinarangalan ng Finalist Certificate in Social Media Videos category, habang ang I Witness: Kapalit ng Katahimikan ng GMA Public Affairs ay nakatanggap ng Finalist Certificate in Human Concerns and Social Issues category.
Ang makabagong kampanya sa halalan, GMA Integrated News #Eleksyonaryo: The Dapat Totoo Digital Exclusives, ay nakipag-ugnayan, nag-aral, at nagbigay ng kapangyarihan sa mga kabataang henerasyon ng mga botante na lumahok sa #Eleksyon2025. Sa pamamagitan ng serye ng nakakahimok na digital-exclusive content, matagumpay na naabot ng campaign ang mas malawak na audience at naisulong ang responsableng pagkamamamayan sa mga kabataan.
Hosted by award-winning journalist and veteran documentarist Kara David, I-Witness: Kapalit ng Katahimikan explored the sensitive issue of long-standing traditions in an indigenous community in Mindanao, where customs allow victims to marry their abusers or accept minimal compensation to preserve family honor and prevent clan conflict.
Ipinagdiriwang ng Cannes Corporate Media & TV Awards, na ginaganap taun-taon sa Cannes, France, ang pinakamagagandang corporate films, online media production, at dokumentaryo sa mundo.
Ang awarding ceremony nito ay gaganapin sa Setyembre 24 hanggang 25, 2025.
