August 17, 2025 | 12:00am
Mabilis nahatulan ng lifetime ban sa MPBL si Michole Solera ng General Santos City matapos ang kanyang knockout punch kay Jonas Tibayan ng Mindoro sa isang recent game sa Batangas.
Bukod sa ban, may fine pa na P200,000 si Solera. Mabigat na parusa. Ang sabi ng iba, deserving. Ang iba, sobra naman daw.
Viral sa social media ang nangyari at kahit baliktarin ko ang screen ng computer ko, uncalled for ang ginawa ni Solera.
Unprovoked at least sa last play nung bigla niyang binigwasan si Tibayan sa mukha. Bagsak na parang Ricky Hatton na tumanggap ng suntok kay Manny Pacquiao.
Dehins bumangon dahil broken joe at wasak ang ngipin. Duguan. Inoperahan si Tibayan. Successful naman ang procedure at siguradong makakabalik sa MPBL.
Si Solera, baka humanap na ng ibang sport at bagong promoter.
Anya, si Tibayan ang nauna. Pero sa isang post na replay ng buong game at may kasama pang slow motion, walang ginawang masama si Tibayan.
Physical game lang. Tulakan, dikdikan sa pwesto at boxing out.
Pero akala yata ni Solera, boxing match.
Nataon pa na sa GenSan naglalaro si Solera, kung saan tubo si Pacquiao.
Pero mabilis ang hatol ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes kahit sabi ng iba, dapat may due process.
Malamang, may blessing din ni Pacquiao, and MPBL founder, ang desisyon ni commissioner.
Agree ako sa lifetime ban. Beyond reasonable doubt.