Heart, babalik na sa shooting range


Naki­lala si Heart Evangelista bilang isang Global Fashion Icon. Apatnapung taong gulang na ngayon ang aktres kaya mas nagiging maingat sa kayang sarili. Noon pa man ay talagang  maa­laga na si Heart sa katawan at sa kanyang mukha.

“Aside from you want to look good, you want to feel good. And you really wanna be healthy. Like I’ve always been very conscious about my health, especially now,” nakangiting pahayag ni Heart sa 24 Oras.

Nahihilig ngayon ang Kapuso actress sa paglalaro ng pickleball. Kapag walang trabaho ay nakakalaro ni Heart ang mga kaibigan. “I really enjoy it. So, every morning I try to play as much as possible,” pagbabahagi niya.

Ngayong Lunes na gaganapin ang eleksyon sa bansa. Ayon kay Heart ay mas magiging aktibo siya sa iba’t iba niyang hilig o pagwo-workout pagkatapos ng halalan. “Once tapos na ang eleksyon, I’ll go back to my shooting range. Just be very active and move lang. Hindi naman kailangang heavy weights,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Michael, nag-apologize sa comfort person

Naging malapit sa isa’t isa sina AC Bonifacio at Michael Sager habang nasa loob pa ng PBB house. Matatandaang naging housemates ang dalawa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Nagkasundo umano kaagad sina Michael at AC dahil parehong nagmula sa Vancouver, Canada. “It’s almost very rare to meet someone in this industry that’s from your hometown. Most especially from a different country, wala eh. For me, it clicked lang to the point that we were able to talk about stuff that I didn’t know she would understand because she’s from Canada din. So, it was so cool,” paliwanag ni Michael sa GMA News.

Itinuring ng binata si AC bilang ‘comfort person’ habang magkasama pa sa Pinoy Big Brother house. “That’s where it started for me because she became a comfort person. Especially no’ng first week, she was very bubbly and I’m very makulit. So kumbaga, lahat ng mga trip ko sinasakyan niya kahit hyper na hyper na ako,” pagdedetalye ng Kapuso actor.

Kamakailan ay napabalitang pinagselossan diumano si Michael ng kasintahan ni AC na si Harvey Bautista dahil sa pagiging malapit ng dalawa sa loob ng PBB house. Humingi ng paumanhin si Michael kung nakaramdam man ng selos ang nobyo ng aktres. “First and foremost, as a man, I don’t want to disrespect any relationships that they have. So, my apologies. I apologize if there was any commotion in the outside world during that time. But me and AC, we’re just really good friends. And we appreciate each other in our lives,” paglilinaw ng binata. — Reports from JCC