October 19, 2025 | 12:00am
Tuloy ang trabaho para sa fashion icon and entrepreneur na si Heart Evangelista.
Pinatunayan nga ulit ni Heart sa Instagram (IG) ang kanyang pagiging on-point pagdating sa fashion.
Sa kanyang latest IG story, ibinahagi niya ang post ni Paris-based photographer Juan Padilla sa exclusive behind-the-scenes ng unang collaboration sa pagitan ni Heart at ng sikat na Italian design house Fornasetti.
Makikita nga sa IG post ang elegant interior ng Casa Fornasetti, kung saan nagpi-pictorial si Heart sa gitna ng artistic at luxurious setup tampok ang mga antique na salamin at art pieces na sumisimbolo sa klasikong style ng Fornasetti.
Ayon sa caption ng IG story ng photographer na si Juan Padilla, ang koleksyong Heart x Fornasetti ay binubuo ng limited series of 200 plates, 100 cups, at 100 coasters — lahat ay hand-painted at dinisenyong may halong Filipino artistry at Italian surrealism.
Ito rin pala ang kauna-unahang pagkakataon na ang Fornasetti ay nakipag-collaborate sa isang celebrity at binuksan ang kanilang pintuan para sa isang photoshoot.
At ang proyektong ito ay ni-launch sa bansa sa tulong ng Opulence Design Concept at ayon pa sa post, ito ay itinuturing na historical at isang milestone sa mundo ng fashion and art collaborations.
Malinaw na patuloy na abala si Heart sa kanyang mga endorsement at walang tigil na nagdadala ng pride sa Pinoy at Pilipinas sa global platform.
Samantala, tuluy-tuloy rin pala ang pagiging viral ng Paraiba Tourmaline ring.
Maaalalang naging hot item ang Paraiba ring dahil ayon sa ilang netizens, ang isang 3-carat Brazilian Paraiba Tournaline ay maaaring nagkakahalaga ng $450,000, habang ang mga malalaking bato tulad ng suot ni Heart na tinatayang 5-6 carats, ay lampas daw sa $1 milyon ang presyo base sa kanilang analysis.
Ngunit sabi ng isang alahera, hindi naman aabot sa P56 million ang presyo ng nasabing gem stone sapagkat sa totoo lang daw ay more than a million Philippine pesos lamang ito!
Base sa analysis ng alaherang si Kei Chan, pihadong na-overestimate lamang ng netizens ang presyo ng Paraiba ring dahil si Heart ang may suot.
Kung ganun, talagang napatunayan lang ni Heart na effective s’yang endorser pagdating sa fashion.
