NANG magkaroon ng COVID pandemic, natataranta ang lahat ng Pilipino. Nagpatupad ng mga lockdown at pagsusuot ng face masks upang mapigil ang mabilis na pagkalat ng karamdaman. Pati ekonomiya ay naapektuhan dahil nalimitahan ang paglalabas-labas ng mga tao ng halos limang taon. Siyempre, malaki ang mababawas sa mga namimili at kumakain sa labas.
Ngayon naman, ang kinatatakutan nang marami ay ang monkey pox na lumalaganap sa buong daigdig. Kahit sinabi na ng Department of Health (DOH) na wala tayong dapat ikabahala dahil hindi ito madaling makahawa, marami ang sinasaklot ng pangamba.
Nagtataka ako kung bakit hindi kinakikitaan ang taumbayan ng takot sa pagtaas sa kaso ng HIV infection na ang kinahahantungan ay ang nakamamatay na AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome. Bago pa man ang COVID ay nasa atin na ang sakit na ito ay may mga record na rin ng mga namatay.
Walang gamot ang HIV infection. May medikasyon lang na napakamahal upang makontrol ang mabilis na pagkalat nito sa katawan at mapahaba pa ang buhay ng mga dinapuan ng sakit na ito.
Alam na ng lahat na ang pinagmumulan nito ay ang malayang pakikipagtalik lalo na ng mga kabataan at miyembro ng third sex. Ayon sa DOH tumaas ng 500 porsyento ang bilang ng mga may HIV infection na ang mga biktima ay kabataan.
Ayon sa statistics ng DOH, umabot sa 57 kaso ng HIV ang naitatala. Malamang, higit pa sa bilang na iyan ang nagkakalat-HIV infection dahil posibleng may mga taong hindi nagpapasuri sa doktor. At kapag nakipagtalik ang mga taong ito sa kung sinu-sino, malamang marami ang masasalinan ng virus.
Sa multiplier effect ng transmission ng virus, baka hindi natin namamalayan, lahat ng Pilipino ay AIDS victims na. Nakadidismaya ito. Nagbabago na at nagiging very liberal ang kultura ng mga kabataan na ginagawa na lang yatang pastime pati pakikipag-sex kung kani-kanino.