October 3, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pakay ng San Beda University na sakmalin ang pangalawang sunod na panalo sa pagharap sa Lyceum of the Philippines University sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup sa Paco Arena, Manila.
Magtutuos ang Lady Red Spikers at Lady Pirates ngayong alas-2 ng hapon kung saan ay kasalo ng San Beda ang National University sa top spot sa Pool A.
Maghaharap sa alas-12 ng tanghali ang College of St. Benilde at San Sebastian College-Recoletos, habang magkatapat ang Mapua University at Letran sa alas-4 ng hapon sa event na itinataguyod ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Galing sa panalo ang San Beda laban sa Emilio Aguinaldo College, 25-19, 19-25, 20-25, 25-20, 15-10, noong Styembre 20.
Muling sasandalan ni Lady Red Spikers coach Kungfu Reyes sina Angel Habacon at Janelle Bachar para masikwat ang panalo at lumapit sa pagsilo ng upuan sa susunod na round.