Ilong ni Sanya, ayaw tantanan!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 14, 2025 | 12:00am

Ang harsh ng mga comment tungkol sa ‘bagong’ ilong ni Sanya Lopez.

Ang sakit ng mga salita nilang ginagamit.

Kesyo baluktot daw ito at kung na-infect ba raw, etc. etc.

Mas maganda raw ang dating ilong ng sexy actress, at ang dami nilang tanong kung ba’t pa raw siya nagpagalaw ng ilong.

Well, buhay ni Sanya ‘yun at walang batas na nagsasabing ‘di ka pwedeng magpaayos ng ilong kung may money ka.

Actually, hindi diumano libre ang nasabing operasyon ni Sanya.

Obviously, wa na care si Sanya dahil open naman ang comment box niya sa mga netizen.