Ivana, 65 million na ang followers sa social media platforms


Dahil sa kontrobersiya sa lovelife

Nagparamdam na sa social media si Ivana Alawi kahapon at tila wala naman siyang pakialam sa pang-iintriga sa kanya.

Makalipas ang ilang araw, nagpakita si Ivana sa kanyang Instagram Stories ng isang video ng kanyang sarili na nakangiti sa camera habang nakasuot ng isang pares ng salamin sa loob ng sasakyan.

Sa isa pang post noong Linggo, Hunyo 1, nag-repost si Alawi ng fan edit ng kanyang mga sexy photo and video kung saan may background music, ang Paparazzi ni Lady Gaga.

Sa totoo lang, parang mas nakakatulong ang kontrobersiya sa pagkakadawit niya sa pangalan ng pulitiko/producer na si Albee Benitez at misis nito dahil pansin ng followers niya na nadagdagan ang numero ng kanyang followers sa YouTube na meron nang 19.2 million followers, at 11.1 million followers sa Instagram habang Facebook ay meron na siyang 35 million followers at siya na ang most followed local celeb sa nasabing social media platform.