Ivana namakyaw ng cellphone, nag-ayuda sa kanyang male followers


Kinuyog si Ivana Alawi sa isang mall kamakailan matapos mamakyaw ng cellphone na ipamimigay niya raw.

In all fairness sa kanya, hindi sponsor ang mga nasabing latest model ng iPhone na pinamili niya at binayaran ng cash ayon sa nakita kong video.

Parang ‘di nga makapaniwala si ate tindera na binabayaran siya ng halos kalahating milyon, in cold cash ni Ivana.

Dahil nga nakita siya ng mga tao sa mall, hindi na si Ivana tinigilan at sinundan-sundan na. Kaya kailangan na siyang puntahan ng security para ma-escort-an na sabi niya ay hindi naman niya ni-request.

In all fairness, generous ang sexy actress / vlogger sa followers kaya naman hindi lang mga cellphone ang ayuda niya, pati ang kanyang latest post, sobra pa sa ayuda sa kanyang male followers sa Facebook at Instagram.

Parang init na init siya kaya nag-bikini sa kanilang garden habang nagme-meryenda ng prutas at nagbabasa ng libro. String bikini that is.