Janella, may inamin sa relasyon kay Klea


Dianne Canlas — Pilipino Star Ngayon

September 4, 2025 | 12:00am

Nagsalita na sa totoong estado ng kanilang relasyon sina Klea Pineda at Janella Salvador, na pinagbibintangan na diumano’y third party sa hiwalayan nina Klea at Katrice Kierulf.

Sa video na ipinost ni MJ Marfori, natanong sina Klea at Janella sa press conference ng ­Cinemalaya 2025, kung saan kabilang ang pelikula nilang Open Endings, tungkol sa naiintrigang relasyon nila.

“Kung ano ‘yung nakikita niyo, ‘yun na ‘yon. Para lang maging klaro, sabi ko kasi magsasalita ako at the right time, ito na ‘yun. Hindi po ako part nung breakup, hindi po ako third party. I’d like to exclude myself from that. And ayun lang, kung ano ‘yung nakikita niyo, ‘yun na ‘yon,” sagot ni Janella.

Gaano ka kasaya ngayon, Janella?

“Nakikita ninyo naman kung gaano ako kasaya,” dagdag pa ng nanay ni Jude.

Maaalalang umingay ang intrigang third party diumano si Janella sa mag-ex nang i-like ni Katrice ang mga komento ng kanyang mga follower sa kanyang TikTok video kung saan nabanggit ang Kapamilya actress na kinokonek sa hiwalayan nila.