Janella tuloy ang struggle sa pagiging ina, Markus sa UK na naglalagi!


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

September 18, 2025 | 12:00am

Magli-limang taong gulang na ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude.

Ayon sa aktres ay talagang mahirap pagsabayin ang trabaho at ang pagiging isang ina. “Honestly, it’s a struggle pa rin talaga everyday to be able to like, especially as young parents, adjustments talaga eh, parang compromise. You would have to really work through it. Now kasi, Jude most of the time is with me because his dad is in the UK. So he’s working there. Every now and then he would call up Jude. Dati kasi he was here eh. Then he would borrow Jude for the weekend, ganyan,” pagbabahagi ni Janella sa programa ni Bianca Gonzalez na The Side B.

Magkahiwalay man sina Janella at Markus ay sinisikap namang maiparamdam ang tunay na pagmamahal sa kanilang anak.

“Iba-iba siya eh, parang hindi siyang ‘yung smooth sailing lang. Co-parenting is a different experience rin talaga. And at the same time, you’re always thinking. I don’t want to allow na magkaroon ng opportunity na ma-feel niya na ma-affect siya because of our setup. I always want him to be able to grow up with a healthy mindset,” makahulugang pahayag ng aktres.

Mula nang maging isang ganap na ina ay malaki na ang ipinagbago ng pananaw sa buhay ni Janella. Maging sa pakikipagrelasyon ay malaki umano ang naidulot na leksyon ni Jude sa aktres.

“It’s a no-brainer. ‘Yung mindset ko talaga is kung sino ‘yung papasok sa buhay ko, I’m gonna be very, very clear about how it’s gonna be like because I have a kid. If it scares them away, then so be it. Ito ‘yung deal-breaker ko, ito ‘yung rules ko, ito ‘yung plus one ko na siya for life. So like, you have to be able to handle that. And not just handle that, you have to be a good example. And really be able to take care of like be with me through this. Throughout this journey of raising a kid,” paglalahad niya.

Bianca, laging hubad ang pakiramdam

Hindi na bago kay Bianca de Vera ang makaranas ng pamba-bash mula sa ilang netizens. Hindi na lamang umano pinagtutuunan ng pansin ng Kapamilya actress ang mga negatibong salitang ibinabato sa kanya sa social media.

“Oo, madami, hindi ko na siguro sasabihin word by word pero marami akong nakikita. Pero for me, hindi talaga ako naaapektuhan. Feeling ko kilala ko talaga ‘yung sarili ko. Kilala ko kung sino ‘yung nakikita ko sa salamin. So hindi talaga ako naaapektuhan,” natatawang pahayag ni Bianca.

Malaki ang pasasalamat ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate sa mga magulang na palaging nakagabay sa kanya. Maraming mga bagay rin ang natutunan ni Bianca habang nasa loob ng PBB House.

“They’ve always guided me ever since. Ngayon naman, parang feeling ko they trust me enough. And parang feeling ko malaki na ako to handle those types of situations. I mean, pinili ko itong career ko na ito. PBB and Kuya has taught me to be strong enough to handle those kinds of things like bashing or words from other people that are hurtful words,” giit ng aktres.

Sa loob ng apat na taon ng pagiging aktibo sa show business ay natutunan na ni Bianca ang kalakaran sa industriya. Bilang isang artista ay kinakailangan daw na palaging maging maingat lalo na sa publiko.

“Kailangan lang naming tanggapin as public figures, bawat galaw namin, bawat salita namin, bawat salita namin, ay pinapanood. It’s truly being watched. And because of that, you’re truly up to criticism and so, parang lagi ka talagang hubad sa public. What I wish they knew about me? Is that mahal na mahal ko ang mga fans ko. ‘Yung mga loyal fans namin, I’m also very grateful that they understand me, no matter what,” pagtatapos ng dalaga. Reportsfrom JCC