Janno, kinampihan ang pag-iiskandalo ni Dennis sa kasal ni Claudia!


Pati kay Janno Gibbs, nagalit ang netizens dahil lang nag-comment ito ng red heart at clasp hand as in prayers emojis sa post ni Dennis Padilla na “Mahal na Diyos.. Hawakan nyo po ako.”

Kunsintidor daw ito at kaya raw lumalakas ang loob ni Dennis dahil sa mga kagaya niyang sinusuportahan ang kaibigan kahit mali.

Sinabihan pa siya na magpakuwento para malaman ang buong pangyayari sa tinawag niyang pag-iiskandalo sa araw ng kasal ni Claudia Barretto.

Wala pang comment si Dennis sa post naman ni Julia Barretto tungkol sa narcissist parent.

Hintayin natin kung sasagot pa si Dennis, lalo na at karamihan sa mga nagko-comment sa Instagram account niya ay galit sa kanya at kampi sa mga anak niya.

Sanya, pinagbigyan ang BarDa?!

Wala si Sanya Lopez sa premiere night ng Samahan ng mga Makasalanan, movie nila ni David Licauco at hindi rin sinabi kung bakit wala siya. Sabagay, kung dumating siya, hindi si Barbie Forteza ang nakatabi ni David sa upuan.

Hindi rin siguro magiging super sweet sina David at Barbie kung andun siya. Kahit break na sina Barbie at brother ni Sanya na si Jak Roberto, maiilang pa ring kumilos si Barbie towards David kung katabi niya si Sanya.

Ang sweet kaya nina David at Barbie sa premiere night at parang sila ang magkatambal sa pelikulang co-produced ng GMA Pictures at film company ni Chavit Singson. Ilang beses silang nagyakapan after the screening at kahit sabihing paraan ‘yun ng pagko-congratulate ni Barbie sa ka-love team, iba pa rin ang magiging reaksyon ni Sanya kung present siya.

In fairness, may mga kinilig sa mga eksenang nagpapakilig ang mga karakter nina David at Sanya na sina Sam at Mila respectively. May mga sumisigaw, hindi lang malakas, nahiya siguro kay Barbie.

Sa April 19 ang simula ng showing ng pelikula ni director Benedict Mique at tama nga ito sa Black Saturday dahil tungkol sa pagbabalik ng tiwala sa Diyos at pagbabago ng mga makasalanan.

Rated R-13 ang SNMM, bawal ang mga bata dahil sa ilang linya sa script na hindi pambata, pero wholesome para sa amin ang kabuuan nito.

Kyle, nanganganib ang panliligaw sa pinsan ni Daniel?!

May mga kuwento pa rin sa naging engkwentro nina Daniel Padilla at Kyle Echarri sa ABS-CBN Ball 2025. Kahit may mga nagsabing walang kaguluhang nangyari at kahit itinanggi ng GF ni JK Labajo na si Dia Mate, may mga tsika pa ring sumusulpot na magpapatunay na may nangyari.

Tinawag daw ni Kyle na “Dude” si Daniel at dalawang beses niya itong tinawag. Sagot daw ni Daniel, “Hindi mo ako dude,” na totoo naman dahil hindi sila close at nagkikita lang sa mga event ng ABS-CBN.

Dahil ginalit ni Kyle si Daniel, nanganganib ang panliligaw niya sa pinsan ni Daniel na si Analain Salvador. Siguro, kapag pinayuhan ni Daniel ang pinsan na ‘wag nang i-entertain ang panliligaw ni Kyle, susundin nito, kaya lagot ka, Kyle.