September 16, 2025 | 12:00am
Magdala kaya ng tuluy-tuloy na suwerte sa Fil-Am singer-songwriter na si Jessica Sanchez ang kanyang pagbubuntis (ng baby girl) ng first baby ng American husband niyang si Rickie Gallardo (since 2021) ngayong nasa ika-9th month na siya sa kanyang pregnancy and nearing the grand finals ng 20th season ng America’s Got Talent kung saan isa siya sa pumasok bilang isa sa finalists.
Ang grand finals ay gaganapin sa Pasadena Civic Auditorium in Pasadena, California, USA on September 23 and 24, 2025 hosted by Terry Crews (on his 7th season on the show) with Simon Cowell, Howie Mandel, Sofia Vergara and Mel B as judges.
One million U.S. dollars ang naghihintay sa tatanghaling grand winner.
Hindi ito ang unang pagkakataon ni Jessica na sumali sa America’s Got Talent dahil ginawa niya ito when she was 10 years old nung 2006 kung saan din siya pumasok among the semi-finalists.
The talent competition had its preliminary audition nung May 27, 2025 kung saan nakakuha siya ng golden buzzer mula sa isa sa judges, si Sofia Vergara.
Si Jessica ay tinanghal ding 1st runner-up nung 2012 sa American Idol na siya siyang naging stepping stone sa kanyang pagiging isang professional singer.
Siya’y panganay sa tatlong magkakapatid (with two younger brothers) ng kanilang Filipina mother na si Edita Bucay-Sanchez from Samal, Bataan at ng kanilang Mexican-American father na si Gilbert Sanchez, isang petty officer ng U.S. Navy Reserve. She was raised in Eastlake, Chula, California, USA.
Nakilala naman ni Jessica ang kanyang husband na si Rickie Gallardo in 2017 sa isa niyang show kung saan si Rickie ang lightman at kasunod na rito ang pag-pursue sa kanya hanggang maging sila at mauwi sa kanilang pagpapakasal nung 2021.
Prince Harry, nakipag-ayos sa hari
Naging fruitful ang ginawang 4-day visit ni Prince Harry, Duke of Sussex sa United Kingdom kung saan ay naging bahagi ang kanyang madamdaming reunion meeting with his father na si King Charles III pagkatapos ng 19 na buwan or almost two years nilang hindi pagkikita.
Alam nang lahat na nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Prince Harry sa British Royal Family nag magdesisyon sila ng kanyang American former actress wife na si Meghan Markle, Duchess of Sussex, na tumalikod sa kanilang senior duties sa royal family nung 2020 para mamuhay nang malaya as normal people sa Montecito, Santa Barbara, California, USA kasama ang kanilang dalawang anak na sina Archie (6) at Lilibet (4).
Nadagdagan ang gap ni Prince Harry sa kanyang pamilya nang magbigay silang mag-asawa ng exclusive interview with Oprah Winfrey kung saan marami silang pinakawalang private information about the Royal family.
Nasundan pa ito ng Spare book ni Prince Harry na naglahad din ng maraming expose tungkol sa kanyang pamilya.
Since then ay lalo lamang lumalim ang hidwaan between Prince Harry and the Royal family laluna sa pagitan nila ng kanyang ama na si King Charles III at sa nakatatanda niyang kapatid na si William, Prince of Wales.
Pero ang prinsipe na rin mismo ang gumawa ng paraan na muli silang magkita at mag-usap ng kanyang amang Hari at nangyari ito nung nakaraang Sep-tember 10, 2025 ng hapon sa Clarence House in Westminster, London at naging madamdamin ang kanilang muling pagkikita ng kanyang ama ayon sa mga lumabas na report sa online.
Ang tanong ng mga sumusubaybay sa kanilang kuwento, mag-reach out din kaya si Prince Harry sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William upang sila’y tuluyang magkaayos?
