September 26, 2025 | 12:00am
Naiuwi ng Fil-Am singer na si Jessica Elizabeth Sanchez, 30, ang korona ng America’s Got Talent Season 20 kahapon.
Napanalunan ni Jessica, na manganganak na anytime, ang $1 milyon na premyo.
Kilala siya bilang runner-up ng American Idol Season 11 noong 2012, at bago iyon, naging contestant siya sa inaugural season ng America’s Got Talent noong 2006.
Pero hindi siya sumuko, muling sumali sa Season 20 ng AGT.
Nanalo siya matapos ang madamdaming pag-awit ng Die with a Smile kung saan nakatanggap siya ng standing ovation.
At kabilang si Martin Nievera sa bilib na bilib na noon pa kay Jessica: “And may I say after singing with you through the years how much you have grown as a singer with so much soul and your add libs are so tasteful and just enough. Not too much not distracting trying to show off. You make every song YOUR song. So yes, you were a champion before you became a champion!
“You were a champion before you became a champion tonight! Congratulations! I am so proud of you!” ang komento ni Martin.
Chie, nanghihingi ng Ayuda!
Nagpapatulong daw ngayon si Chie Filomeno na mag-damage control.
Lumabas na ang totoo na ipinagpalit nga niya diumano si Jake Cuenca sa negosyanteng si Matthew Lhuillier matapos siyang isama nito sa kanilang family event.
Eh may tumawag nga raw kay Jake at tinatanong ang actor kung sila pa ba dahil andun nga raw sa family event ng mga Lhuillier ang sexy star/actress.
Kaya agad-agad daw nag-text si Jake at sinabing ipadadala na niya ang lahat ng gamit ng karelasyon.
Nag-sorry nga raw si Chie at hindi na itinanggi ang tungkol sa kanila ng negosyante.
Kaya na-label daw si Chie na cheater.
Nag-unfollow na sa isa’t isa sina Jake at Chie sa kanilang Instagram pages.
