Jessy Mendiola, gustong i-remake ang Maria Mercedes!


Para sa Star Magic Spotlight Presscon ngayong buwan na ginanap sa Coffee Project, Wil Tower, Quezon City, dumalo si Jessy Mendiola para pag-usapan ang kanyang pagbabalik sa showbiz at ang mga bagong updates tungkol sa kanyang career.

Pagkatapos ng anim na taong pahinga sa TV at pelikula, nagbabalik si Jessy Mendiola sa isang malaking proyekto: ang crime thriller mystery drama na Sins of the Father, kung saan makasama niya sina Gerald Anderson, RK Bagatsing, Francine Diaz, Seth Fedelin, at marami pang iba.

Ikinuwento ni Jessy ang kanyang mga pagbabalik trabaho at ang mga adjustment na na ginawa nya. “Mas hinanda ko yung mind ko, hindi physical eh, kasi kahit naman nung kakapanganak ko lang kay Rosie, nag-alaga na rin talaga ako ng sarili ko. Yun nga, mind conditioning talaga when it comes to work,” sabi ni Jessy.

Matagal na rin sa industriya si Jessy at marami na siyang mga karakter na ginampanan. Nang tanungin kung anong teleserye ang gusto niyang i-remake, sinabi niya, “Siguro Maria Mercedes. Kapag binigay ‘yun sa’kin ngayon, feeling ko mas mabibigay ko ng 100 percent yung emotions, yung sensuality… for me, mas malalim yung mabibigay kong acting bilang Maria Mercedes, mas mapapaganda ko pa.”

Bukod sa kanyang pagbabalik-acting, binanggit din ni Jessy ang kanyang excitement na bumalik sa ASAP stage para ipakita ulit ang kanyang dance moves at groove.

“Gusto kong maramdaman ulit na kahit mommy na ako, I still want to be comfortable with myself, with my body, kaya bumalik ako sa dancing,” sabi pa ni Jessy

Ikinuwento rin nii Jessy ang mga pagbabago at hamon na kinakaharap niya ngayong balik showbiz siya. “It’s been super hectic kasi our show just started airing, and we’re still taping. Of course, yung mga promotions, guestings, events, tuluy-tuloy na siya. You just really have to balance your time, and everything will fall into place.”

Sa kanyang pagbabalik, desidido ang aktres na pagtuunan ang career para sa kanyang self growth-isang senyales na tuluy-tuloy at magiging busy pa ang aktres.