Bongga naman pala ang rom-com mini-series ng GMA Public Affairs na My Ilonggo Girl, dahil mula nang ipalabas ito noong Jan. 13, patuloy itong humahamig sa rating at nakaipon na ng 970 million views sa mga digital platform. Ito umano ay nananatiling pinakapinapanood na programa sa YouTube channel ng GMA Network, na nagpapatibay sa lugar nito bilang isang panalong serye sa parehong on-air at digital platform.
Pinagbibidahan ni Jillian Ward, ang My Ilonggo Girl ay patuloy na sumisira ng mga rekord, na pinalakas ng chemistry nila ni Michael Sager.
Ang kanilang on-screen partnership ay tinaguriang MicJill.
The series’ compelling storyline, which initially showcased Jillian in a dual role as the humble Ilongga, Tata, and the glamorous actress, Venice, has deeply resonated with audiences nationwide.
