Pilipino Star Ngayon
October 1, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Para sa proteksyon ng mga manlalaro, inilunsad ng DigiPlus Interactive Corp., ang nasa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, at ng Philippine First Insurance Company (PhilFirst), ang unang domestic insurance company sa bansa, ang kauna-unahang surety bond program sa Pilipinas na magsisilbing karagdagang seguridad sa mga online gaming player.
Itinuturing na karagdagang proteksyon pampinansyal, umaabot hanggang sa ?1 million kada manlalaro ang sakop ng surety bond na ito nang walang karagdagang gastos sa mga player.
“Ipinagmamalaki namin na una ang DigiPlus pagdating sa pagbibigay ng ganitong antas ng proteksyon para sa konsyumer,” ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco. “Kami ay committed na unahin ang kapakanan ng aming mga player. At sa surety bond, mas mae-enjoy ang paglalaro sa BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone, dahil alam mong protektado ang inyong pondo.”
Dapat e-KYC-verified ang mga player, nakapagdeposito ng kahit isang beses, at sumusunod sa alituntunin ng platform para gumana ito.
Pinoprotektahan ng surety bond ang balanse ng manlalaro hanggang ?1 milyon.
Ang proteksyon ay agad na magkakabisa at awtomatikong mag-a-apply para sa lahat ng eligible player ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone.
Mas pinatibay ng bagong surety bond program ang commitment ng DigiPlus sa paghahatid ng maaasahang customer service at proteksyon sa mga player, dagdag pa sa sa 24/7 customer support at mahigit 130 BingoPlus physical store sa buong bansa na convenient at pinagkakatiwalaan ng mga manlalaro.
