Ang galing ni Jodi Sta. Maria na umiwas upang hindi pag-usapan ang lovelife niya.
Sa simula pa lang kasi ng media conference ng pelikulang Untold sa Regal Entertainment, may linya agad si Ms. Gloria Diaz na “woman in love”
Nang tinanong ito sa dating Miss Universe, nagpalusot na itong, “She’s in love with her work, with our movie.”
Pinilit pa ng isang kasama sa panulat na baka puwedeng i-share, “She will share it,” pakli ni Ms. Gloria Diaz.
“I don’t think so. Kaya nga Untold,” napangiting pakli ni Jodi.
Pero nang kinulit namin siya uli, napaka-safe na ng sagot niyang, she’s a love of life raw.
Aniya, “Alam mo, I’m the type of person na kung titingnan mo, ‘yung social media ko, makikita mo run, lover of life.”
Pinush pa rin naming romantically in love, hindi na niya kami sinagot.
Ang naughty ko raw.
Basta pagdating sa pag-ibig, eto lang ang masasabi ng bida ng Untold, “I am in love with life in general. And if you’re going to ask me about that, I would say na ‘yun nga, tulad ng sabi ko, nasa social media ko ‘yan, I’m a lover of life. So, I am in love na.”
May iba pang nagtanong tungkol sa buhay pag-ibig niya, consistent ang premyadong aktres sa sagot niyang ito.
“Napakaimportante ng love in all aspect.
“Hindi lang ito limited sa romantic relationships but also friendships, also love for work, love for career. In the general aspect also,” safe pa ring sagot niya.
Mala-fake news peddler ang karakter na ginagampanan niya sa horror movie na Untold, at ang haba ang tsikahan namin pagdating sa mga nagkakalat ng fake news.
Nabiktima na rin daw siya ng fake news noon pero ang pananaw niya pagdating sa isyung ito; “Bihira kasi ako tumambay sa internet. It’s actually parang may friends na magme-message sa akin, mag-Viber na okay lumabas ‘to. Is this true ganyan ganyan.
“Ang gagawin ko kapag may mga ganyang klaseng news babasahin ko siya, and I would tell, let’s say that person, whoever sent it to me, whether it’s true or not.
“But then, I mean para ma-affect ka talaga on a deep level? I tried to somehow manage my emotions, especially kapag may mga sinasabi sa ‘yong below the belt. Pero ang pinaka-importante sa akin is ‘yung paano kung nalagay doon sa isang site ng story is walang kakayanan na i-explain ‘yung sarili niya, maipagtanggol ‘yung sarili niya.
“Ang pinag-land-an nung sabihin natin fake news na ‘yun ay hindi man magpa-fact check. Gagawin ‘yung diligence niya o magbe-verify. So madali silang mabibiktima nung mga bagay na hindi totoo at madali silang mapapaniwala.”
Pinag-uusapan na ngayon sa Kongreso kung paano masugpo at kung paano i-penalize ang mga nagkakalat ng fake news.
Sa susunod na pagdinig nito ay maaaring mag-iimbita sila ng kilalang celebrities na madalas na nabibiktima ng fake news.
Kung sakaling maimbitahan si Jodi, baka daluhan daw niya ito.
Tingnan natin ito sa pelikulang Untold na magso-showing na sa mga sinehan sa April 30.
Mark, nireklamo ng grave THREAT!
Dumulog si Jojo Mendrez sa Police Station 10 ng Kamuning, Quezon City para pirmahan ang ginawa nitong affidavit kaugnay sa nangyari sa kanila ni Mark Herras.
Sabi ni Mr. David Bhowie, manager ng Revival King, “Pumunta ngayong araw si Jojo Mendrez at ang lawyer at legal counsel niyang si Atty. Chiqui Advincula upang magbigay ng affidavit at itutuloy na sampahan ng pormal na kaso si Mark Herras ng Grave Threat.
“Ito’y matapos makatanggap ng pananakot at seryosong banta si Jojo mula kay Mark Herras noong Linggo ng gabi, March 23, 2025 sa loob ng kuwarto ng Luxent Hotel bago ang PMPC Star Awards Night for TV na kasama ang dalawang nasabi bilang presenters ng isang special award.”
Ang tinutukoy nilang grave threat na sinasabi ni Mark ay kung maiitsa-puwera siya, susunugin diumano nito ang bahay niya.
Hindi pa ito sinasagot ni Mark, at hindi rin tumigil si Jojo dahil noong Sabado pa lang ay pumunta na rin siya sa police station para ipa-blotter ito.
Sabi pa ni David Bhowie, pagkatapos daw na isinumite ang affidavit na ‘yun sa police station, pormal na nilang isasampa ang reklamong Grave Threat sa Quezon City Hall of Justice ngayong araw.
Ang layo na ng narating ng collaboration na ito nina Mark at Jojo.
Pero nanatiling tahimik lang ang first StarStruck Ultimate Survivor.
Napag-usapan nga namin ito kahapon sa media conference ng pelikulang Beyond the Call Of Duty na collaboration ng Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc. sa film production ng dating governor Chavit Singson at ng Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection at ng PNP Officers Ladies Club Foundation.
Isa sa bida sa pelikulang ito si Martin Escudero na produkto rin ng StarStruck.
Natawa si Martin nang tinanong ko kung willing ba siyang makipag-collab kay Jojo kung sakali. Bilang galing din naman siya sa StarStruck.
“Aware ako diyan! Aware ako diyan. Napapanood ko ‘yun,” natatawang sagot sa amin ni Martin.
“Natutuwa ako sa mga kapatid natin na nakabalik sila sa alam mo na… halos lahat parang naghirap o nahirapang mag-move on dun sa pandemic na… so natutuwa ako kay Mark, kay Rainier (Castillo), nakakabalik sila, may project sila uli.
“Ang importante, tuloy ang buhay,” dagdag niyang pahayag.
