Ahh hindi na pala nag-prosper ang demanda ng singer na si Jojo Mendrez kay Mark Herras.
Ayon kay Jojo, nagkaroon na sila ng amicable settlement para maging positive na ang lahat sa kanila.
Lalo na at may bago na siyang manager, si Rams David ng Artist Circle PH.
Kasabay ito ng paglilinaw na wala raw talagang nangyari sa kanila ni Mark, kahit sa kanila ni Rainier Castillo, pagdidiin ni Jojo.
Katwiran niya, parang destiny ang mga pangyayari at hindi planado. “Walang nagplano noon. Tinakda talaga yon. Kasi kung hindi naman `yon nangyari, baka hindi tayo nag-uusap sa panahon ngayon,” sabi niya pagkatapos ng contract signing with Artist Circle PH.
Saka pakiramdam niya ay napapansin naman siya as a singer particular na sa revival song Somewhere in my Past kaya ‘di niya kailangang magpakakontrobersyal with Jojo.
Samantala, sa nasabing event din ay finally ay ipinarinig ni Jojo ang version niya ng Boy na originally sang ni Timmy Cruz.
Na gagawin na nilang Babe, under Star Music.
Ang Star Music ang nag-release ng kanyang first original song na Nandito Lang Ako na sinulat ng award-winning songwriter, si Jonathan Manalo, na nagsusulat na rin ng isang original Christmas song.
Ang iniwasan niyang pag-usapan ay ang rason kung ba’t sila naghiwalay ng dating manager. Ayaw na niyang magbigay ng details.
Mas importante raw na blessed siya sa bagong manager at ramdam niyang tutulungan siya nito para mas gumanda pa ang takbo ng career niya.
Nagbabalik na lang sa alaala ni Jojo ang mga karanasan niya noon, noong panahong nangarap siyang mag-concert upang mapanood ng kanyang nanay.
Pero malungkot ang nangyari: “Nanay ko lang ang nandun, tapos tatlong tao lang ang dumating. Pero tinuloy ko pa ring kumanta, para hindi ako mapahiya sa mga nagpunta. Kasi pinaniwala ako na maraming tao na dadating, pero tatlong tao lang ang dumating.
“Pero ‘yun, tinuloy ko ang pangarap ko, kasi naniniwala ako sa sarili ko, naniniwala ang mama ko. At hanggang sa dumating na nga ‘yung Revival King concert na ‘yon, na sold-out ang mga tickets.”
Ten years old lang siya nang mag-umpisang sumali sa mga amateur singing contests sa Lucena City at super favorite niya noon ang Mr. DJ ni Sharon Cuneta.
Kaya naman dahil sa pagiging super fan ni Jojo ng Megastar, nag-produce siya ng concert for Sharon in Lucena City.
