Simula na ang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 this Sunday, May 4, sa year-long motorsport event organized by Jomari Yllana and his Yllana Racing and Rikki Dy-Liacco, Head of Motorsports at the Automobiled Association of the Philippines.
After today, gaganapin naman ang Jom’s Cup at dito, may mga celebrity guest silang iimbitahan kabilang sina Aubrey Miles at Troy Montero, Angie King, Matteo Guidicelli at iba pang celebrity na gustong sumali.
Sa June 21 and 22, ang biggest rally event in the country na sabi ni Jomari, parang racing sa Monaco. May main road daw na ipasasara at expected nila ang 25 to 40 cars na sasali.
Susunod agad ang motorsport event sa Lubang, Mindoro na biggest racing event daw sa bansa. May mga inimbitahan silang foreign car racers na hindi muna pinangalanan.
To be announced ang racing event sa September at sa November, ang awards night. Next year, aagahan nina Jomari at Rikki ang motorsport event, January 2026 pa lang, lalarga na and by now, kasabay sa mga gaganaping racing event, pinaghahandaan na iyon
Two years in the making ang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025, ito at ang pagiging public servant sa Parañaque City ang nagpa-busy kay Jomari. Kinalimutan niya muna ang showbiz at kahit may offer ang Batang Quiapo at ang GMA, hindi niya matanggap.
Hindi rin ready mag-showbiz si Jomari dahil nadagdagan ng timbang at wala siyang time mag-workout. Pero dahil nami-miss ang acting, one of these days, magpapapayat siya at babalikan ang pag-arte.
May guesting siya sa HBO series na Call My Manager, na tampok si Judy Ann Santos, pero four episodes lang. Gusto niya ang role na “demonyitong politician.” Panoorin daw natin at first time niya sa ganitong role.
Anyway, isa sa nagpapa-excite sa dating actor sa racing event this Sunday ay kasali ang wife niyang si Abby Viduya. Hindi racer si Abby, susubok lang at kapag nagustuhan, tuluy-tuloy na ang pagko-compete nito.
Niyaya rin ni Jomari ang anak na si Andre na sumali rin. Busy kasi ito sa showbiz commitment kabilang ang pagti-taping ng mga series sa Viva Entertainment.