Jose Mari Chan, hinihintay na!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

August 22, 2025 | 12:00am

Ilang araw na lang at Ber month na, September, pero parang hindi masyadong nagpaparamdam ngayon si Jose Mari Chan.

Noon parang umpisa pa lang ng August, may meme na sumisilip na siya.

Pero ngayon, waley masyado.

Masyadong invested ang mga tao sa diumano’y anomalya sa flood control projects.

Ang lala raw ng corruption sa nasabing mga proyekto.

Na tinututukan ngayon ng marami nating kababayan.

Pero sa ibang mall naman at supermarket ay naglagay na ng Christmas decor at ang dami na ring Christmas films sa mga strea­ming platform.

Anyway, basta pagpasok ng Sept. 1, tiyak magti-trend ang Christmas in our Hearts.