Kung lately ay pulos medyo nega ang mga kinakabit na balita kay Karla Estrada, proud mom naman siya sa anak na si Fiona Ford Planas (Magui Ford), sister ni Daniel Padilla, na kamakailan ay natapos ang kanyang Bachelor of Arts Double Major in Economics at International Politics sa University of Melbourne sa Australia.
Sa post nga ng anak ni Karla na ang ama ay si Mike Planas kalakip ang mga larawan niya na nakasuot ng graduation toga sa harap ng campus niya sinabi nitong “So blessed!! Eternally grateful to my pillars beyond words — my family for loving and encouraging me endlessly; and my friends who’ve kept me grounded. I hold you all very close to my heart.”
Dagdag niya pa na nagsilbi rin siyang research associate sa Applied International Political Economy sa nasabing eskwelahan.
“BA Double Major in Economics and International Politics
“Research Associate at the School of Social and Political Sciences
specialising in Applied International Political Economy
— The University of Melbourne.
“We did it, Drei.”
Agad namang nag-post si Karla ng congratulatory message na “I am incredibly proud of you, anak, and I truly hope you achieve everything you set your heart on. May your life be filled with love for God, your family, and everyone around you.
“I will always be here, cheering you on and supporting you every step of the way.
“Thank you, anak, for your dedication and hard work.
“Love you Anak @magsford.”
Maging ang mga kaibigan ni Karla ay proud na proud sa kanyang anak at sa comment section nga ay makikita ang mensahe nina Mariel Padilla, Ruffa Gutierrez, Jackie Forster, at marami pang iba.
Speaking of Daniel, tho sa Incognito lang ito sa kasalukuyan napapanood nagkakaroon naman siya ng chance na magkawanggawa.
Naka-post nga sa social media ng isang kaibigan niya ang ginawa nilang pagpunta sa tribo sa loob ng Sierra Madre.
Nag-hike si Daniel base sa mga kalakip na photos niya hanggang makarating sa kinaroroonan ng mga Dinagat.
Pero hindi ito naka-post sa mga social media platform ng actor.
Samantala, throwback box-office hits ang handog ni Daniel sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Abril.
Balikan ang ilan sa hindi malilimutan karakter ng Incognito star tulad ng childhood best friend na si Ivan sa Must Be Love sa Abr. 23, aspiring musician na si Primo sa The Hows of Us sa Abr. 24, at rebeldeng teenager na si Cedric sa Pagpag: Siyam na Buhay sa Abr. 25. Mapapanood ito mula Miyerkules hanggang Huwebes, 7 p.m. at sa Biyernes, 8 p.m.
Mapapanood na rin ang biographical drama film na Quezon’s Game na pinagbibidahan ni Raymond Bagatsing sa Blockbuster Sundays. Tampok dito ang kuwento kung paano sinubukan iligtas ng dating pangulo ng bansa na si Manuel L. Quezon ang Jewish refugees mula sa trahedya ng Holocaust.
Bukod sa Quezon’s Game na mapapanood sa Abr. 6, hatid din ng Sunday block ang Kuwaresma nina Sharon Cuneta at John Arcilla sa Abr. 13, Seven Sundays nina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Ronaldo Valdez sa Abr. 20, at U-Turn ni Kim Chiu sa Abr. 27, 7 p.m.
Samantala, summer love at local tourist destinations naman ang bibida sa Romance Central tuwing Linggo, 5 p.m.
Huwag din palampasin ang When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis sa Abr. 6, Siargao nina Jericho Rosales at Erich Gonzales sa Abr. 13, You’re My Boss nina Coco Martin at Toni Gonzaga sa Abr. 20, at My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa Abr. 27.
Damhin naman ang nakakaantig na mga pelikula sa Holy Week special ng Cinema One simula Abril 18 hanggang 20. Saksihan ang Tanging Yaman nina Gloria Romero, Johnny Delgado, Edu Manzano at Dina Bonnevie, Madrasta ni Sharon Cuneta, Magnifico ni Jiro Manio, Mila ni Maricel Soriano, Hiling ni Camille Prats, Kasal, Kasali, Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Way Back Home nina Kathryn Bernardo at Julia Montes, at iba pang inspiring films.
Makakasama naman ni Bianca Gonzalez sina Melai Cantiveros at Dennis Trillo sa weekly talk show na The B Side ngayong Abril 11 at 25 (Biyernes), 3 p.m. Ipapalabas din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6 p.m., Linggo, 9 p.m., at Lunes, 10 a.m.
