August 23, 2025 | 12:00am
Magbabalik-teleserye na ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo matapos ang opisyal na anunsyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment kahapon.
Magsisilbing reunion project din ito ni Kathryn sa Dreamscape Entertainment pagkalipas ng 15 na taon kung saan ang naturang production unit ang nasa likod ng Mara Clara, isa sa pinakatumatak sa mga manonood na teleserye ni Kathryn na umere noong 2010.
Inanunsyo ang inaabangang teleserye comeback ni Kathryn sa pamamagitan ng isang video sa social media kung saan nagpa-hair and makeup ang aktres para sa isang photoshoot.
Ang huling Kapamilya teleserye ni Kathryn ay ang romantic-comedy na 2 Good 2 Be True noong 2022. Bumida rin siya sa big screen para sa Hello, Love, Again at kamakailan nagsilbi siya bilang isa sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent.
Ito na ba ang sinasabing serye na pagtatambalan nila ni James Reid?
