Kathryn, trending dahil sa Madame Tussauds sa Hong Kong!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 21, 2025 | 12:00am

Trending kahapon si Kathryn Bernardo.

Ang sabi kasi, magkakaroon na rin siya ng wax figure.

Ang clue lang na lumabas ay naka-P1 billion ang pelikula.

At nag-umpisa ang career nung seven years old siya.

Kagulo na kaagad ang mga fans, at trending na kaagad ang actress.

Nauna nang nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sina Manny Pacquiao, Catriona Gray, Lea Salonga, and Pia Wurtzbach.