Kilala at magaling na aktres, lihim na lihim ang pagpapakasal!


Inaalam pa ng aming reliable source kung sino ba talaga ang dyowa nitong kilala at magaling na aktres.

Tahimik at pagdating sa personal na bagay ay mas gusto niyang pribado lang talaga.

Ang balita lang kasi namin sa kanya ay may non-showbiz guy na nanliligaw sa kanya. Pero ang sabi naman ng aming reliable source, may matagal na raw itong karelasyon, pero hindi niya ito isinasapubliko.

Natuto na si aktres sa failed relationship niya na naging malaking isyu rin ang paghihiwalay nila ng kila­lang aktor.

Ngayon ay wala siyang sinasagot pagdating sa lovelife. Naililigaw niya ang usapan.

A nakatakda na raw itong ikasal sa susunod na buwan.

Pero tahimik lang at mahigpit na ipinagbilin sa pamilya at malalapit na kamag-anak na huwag ikuwento sa iba.

Kaya lang nadulas yata ang isang aktres na baka kasama sa entourage ng wedding.

Nabanggit ito sa isang taong malapit sa kanya, na hindi lang kami sure kung ‘yun ba ang mag-aayos o gagawa ng isusuot niya.

Wala pa kaming detalye tungkol sa pinaplanong wedding at sa totoo lang, wala talaga kaming ideya kung sino ang pakakasalan niya.

Inaalam pa namin ang iba pang detalye, kagaya ng date, venue at iba pang kailangan sa wedding.

Pero inaayos na raw ito ngayon, ayon sa aming reliable source.

Jaya, sa America pa rin gustong tumira

Sana matuloy ang binabalak na malaking concert para sa susunod na taon.

Ito ‘yung pagsasama nina Regine Velasquez, Lani Misalucha at Jaya.

Tsika sa akin ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer, nakausap daw niya sina

Lani Misalucha at Jaya sa nakaraang Waging-Wagi concert ni Dulce at abangan daw ang pasabog nila next year.

“Meron kayong hihintayin,” sabi raw ni Jaya.

Sinabi pa ni Jaya na, “Regina, naririnig mo ba? Basta sana next year!”

“Itaga natin ‘yan sa bato balani,” sabay nilang pahayag.

Sana nga matuloy ito, para magkaroon ng reunion ang dating taga-SOP ‘di ba?

Sabi pa ni Noel Ferrer, “Vocal Trinity” ng Pilipinas daw ang bansag sa kanila, at masaya nga ito kung magsama-sama sila, dahil magkakaibigan sila. Kaya tiyak na may okrayan at tsikahang katakut-takot.

Hindi rin maiwasang pagkumparahin silang tatlo, at baka intrigahin pa.

Sana nga matuloy itong pang-Valentine’s day concert nila next year.

Samantala, nag-e-enjoy si Jaya sa paraket-raket niya rito. Pero sa Texas, USA pa rin siya naka-base.

Babalik daw siya ng Amerika next week pagkatapos ng successful concert niya rito at ilang guestings.

Pero nakatakda siyang bumalik dito sa Pilipinas sa December para sa kasal ni Kiray Celis at ng non-showbiz niyang fiancé.

Si Lani naman ay nasa Las Vegas naka-base, pero marami pa rin siyang commitments dito pagkatapos ng judging niya sa The Clash.

Beergin at babuyan, tapatan ngayon sa takilya

Magkasabay ang showing sa mga sinehan ngayong araw ang pelikuang The Last BeerGin ng Cineko at Obra Cinema Film Productions, at ang Isla Babuyan ng Solid Gold Entertainment Productions.

Wala lang kaming ideya kung ilang sinehan ang para sa The Last BeerGin, dahil ang nasa Isla Babuyan ay selected cinemas lang sila, R-18 ang ibinigay na classification ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. Kaya wala ito sa SM cinemas.

Magkaiba naman ang pelikulang ito na sabi nga ng bida ng Isla Babuyan na si Geraldine Jennings, very campy raw itong pelikula nila.

Hindi naman daw ito ganun ka-sexy, pero tiyak na mag-e-enjoy raw sa lead actors nila na ang se-sexy.

Sabi ni Geraldine, “Actually po, that’s not the reason po why binigay nila ‘yung R-18.

“Hindi lang siya sexy film. It’s not what you think. There’s something sa ending na it’s a bit different, but hindi siya sexy.

“But there’s some scenes na a bit spicy, yeah!

“Wala naman akong daring scenes dito. That’s not my vibe.

“It’s more young innocent… I play innocent girl, innocent 18 year old.

“But there’s some of the guys in our movie… Paolo Gumabao, Jameson Blake, Dave Bornea, very nice bodies. They’re swimming… everyone will enjoy. It’s not a sexy film. There’s a twist in the end.”

Ang The Last BeerGin naman ay hango ng writer nitong si Mel del Rosario sa mga kuwentuhan ng mga lasing. 

Hindi naman daw siya umiinom, kundi taga-kain daw siya ng pulutan.

Pinagsama-sama raw niya ang kuwento ng mga nag-iinuman at nabuo nga niya itong The Last BeerGin na pinagsaluhan ng main characters sa inuman ang beer at gin.

Tuwang-tuwa si direk Nuel Naval, dahil nabuo raw niya ang cast na perfect daw para sa pelikulang ito.

“It’s a dream cast for me ha?” bulalas ni direk Nuel Naval.

“Kasi lahat sila magagaling. Saka hindi ko ini-expect na napaka-professio­nal ng lahat. And before that, kami sa production, sabi try namin ‘yung combination ng beer at gin.

“Parang nag-transform na sila dun sa character nila. And that is everytime na nagso-shoot kami,” sabi pa ni direk Nuel Naval.