Sa true lang, naging wholesome ang image ni Paulo Avelino nang maka-loveteam niya si Kim Chiu.
Kaya naman hindi lang sa teleserye at pelikula, pati sa endorsement, magkatambal na sila.
Kung noon nga ay parang bad boy image ni Paulo, naiba kay Kim ang actor.
Ahhh, package deal na raw ba sila?
Anyway, recently lang nakapagpasalamat si Kim sa tagumpay ng pelikula nilang My Love Will Make You Disappear na kumita ng P173 million sa takilya. “In a time where so much content is just a click away, being trusted to lead a film made for the big screen feels incredibly special. Thank you @starcinema.? 173M and counting (highest grossing filipino film of 2025 as of to date.)
“To the amazing people behind the scenes—promo team, creatives, writers, direk @cvovidanes, my wonderful co-stars, and my leading man @pauavelino thank you for your heart, time, and dedication.
“To everyone who organized block screenings here in PH and across the world, to the Kimmers, Kimsters, Paus, and KimPaus—your love, effort, and endless support never fail to lift us up. To all the malls we visited, maraming salamat sa mainit na pagtanggap and to everyone who watched the film maraming maraming salamat po.
“My glass almost emptied, but it never did—because your love and support fueled me all the way and for that I am grateful.
“Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Mabuhay ang romcom. Mabuhay tayong lahat na patuloy na naniniwala sa pag-ibig,” bahagi ng post ni Kim.
Hindi lang naman sa Pilipinas humina ang pelikula sa mga sinehan kundi sa maraming bansa. Ayon sa report ng Agence France-Presse, bumagsak ng 8.8% ang benta ng tiket sa sinehan sa buong mundo noong 2024 mula sa nakaraang taon, na minarkahan ang unang taunang pagbaba mula noong pandemya ng COVID-19, ayon sa European Audiovisual Observatory sa Cannes kung saan kasalukuyang ginaganap ang Cannes International Film Festival.
Sa Pilipinas, mahigpit pa sa 100 percent ang ibinagsak ng benta ng tickets sa mga sinehan. Hirap ang mga producer na pabalikin ang mga manonood sa sinehan.
May maaasahan kayang tulong ang local movie industry sa mga bagong halal na senador?
