Klarisse, hindi inasahang tatanggapin ang pagiging lesbian!


May ilang ‘regret’ moment si Klarisse de Guzman noong nasa loob siya ng bahay ni Kuya.

Yup, aminado siyang nagpaka-OA siya sa ilang pagkakataon.

“For me siguro OA moment namin. Siguro sana mas na-handle ko na siya nang maayos or mas hinabaan ko pa ‘yung pasensya ko or mas nilawakan ko ‘yung pang-unawa ko para medyo naiwasan ‘yung ganung harapan. Actually, talaga hindi ko na rin naiwasan that time. Siguro naghalu-halo ‘yung emosyon, ‘yung pressure as task leader, ‘yung wala pa ka­ming oras para magsalita. So ayun, siguro sana mas na-handle ko s’ya nang maayos. So, Bianca (De Vera), I’m so sorry,” sabi ni Klarisse sa Spotlight presscon ng Star Magic.

Maaalalang nagkaroon ng mainit na balitaktakan sina Dustin Yu at Klarisse sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, ngunit kalaunan ay nakapag-usap ang dalawa nang mas malamig ang ulo at humingi ng paumanhin sa isa’t isa.

Nagkaroon ng tension ang kanilang pag-uusap matapos tanungin ni Klarisse si Bianca kung pwede ba silang lumayo sa isa’t isa kahit saglit ni Dustin. Ito ay kaugnay ng kanilang weekly task kung saan ang mga kasambahay ay hindi pinapayagang makipag-usap sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Klarisse, nagpaka-OA rin siya nung nalasing siya: “Sana pala medyo naghinay hinay ako.

“‘Di ba, para naman hindi na nadamay si Shuvee (Etrata) sa lapel. So ayun naman pero nevertheless, sobrang ang saya naman nung memories na ‘yun. Actually, gusto ko s’yang ulitin,” pg-aalala pa niya.

Pero ang magandang epekto raw nito ay nagkaroon siya ng tiwala sa sarili sa PBB nang ilantad niya sa mundo na isa siyang miyembro ng LGBTQIA.

“Siguro ‘yung Klarisse ngayon masasabi ko na mas may tiwala na ako sa sarili, mas may self-confidence na, mas hindi na takot kasi mas malaya na rin ako, wala na akong tinatago. Iyon ‘yung nararamdaman ko talaga ngayon compared before na feeling ko na parang may nakaangkla. Parang may isang pumipilit. Ngayon na wala na akong tinatago, I’m really open sa lahat.

“Sobrang, mas may self-confidence na po talaga ngayon and sana mas madagdagan pa. Konti pa, with the help of people po na nagmamahal sa akin ngayon sa paglabas, na hindi ko rin talaga in-expect na i-embrace nila ako ng ganun. Akala ko talaga paglabas ko puro bashers. Baka maraming ayaw sa akin. But ayun meron naman, marami-rami naman kahit papaano pong nagmamahal. So ‘yun nakakatulong ding ma-boost ‘yung confidence ko,” sabi pa ni Klarisse.

Sa Spotlight presscon with the Kapamilya PBB housemates sinabi rin ng singer na underway na ang kanyang full-length album.

“Ongoing na po ‘yung next album ko under Star Music. Abangan ‘nyo po, nag-start na po ako mag-record ng aking next album.”