Korean actor Choi Bo Min, nagpasalamat kina Barbie at Kyline


Bilib na bilib ang Korean actor na si Choi Bo Min sa Beauty Empire co-stars niyang sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Sobrang kind and nice raw ang dalawang aktres sa kanya.

At nabanggit ito ni Bo Min nang ipakilala siya kamakailan bilang bagong ambassador ng BlueWater Day Spa kasama ang actor na si Teejay Marquez.

Pag-amin ni Bo Min, worried siya nung duma­ting sa bansa para gumawa ng ilang proyekto kasama na nga ang BlueWater Day Spa endorsement.

“I was very worried because I’m a foreigner here. But everyone is very kind to me and everyone is nice,” sabi niya na hirap pa rin sa English.

Tatlong buwan daw siya na maglalagi sa Pilipinas kaya mala­king tulong ang ibinibigay nila sa pag-aaral niya ng Tagalog.

“Honestly, I’m very confused and nervous and worried about it because (it’s) my first time in the Philippines. I can’t speak English very well. But the Beauty Empire staff, Kyline, Barbie, Direk (Mark Sicat dela Cruz), all of them are very kind to me.

“I was very thankful. I think it’s very meaningful to me because it’s a very good experience working with the kind people and I also like my role (Alex). So, I think I have a very good time in here,” dagdag pa niya.

Anyway, nag-coincide sa selebrasyon ng 20th year ng BlueWater Day Spa launch nila ni Teejay as newest ambassador at doon  kinanta ni Bo Min ang debut single niyang Nakaraang Buhay.

Ang nasabing awitin ay parte rin ng kanyang serye sa Viu at GMA 7.

At sa sandaling pananatili sa ‘Pinas, ibinahagi ni Bo Min na na-try na niyang kumain ng sisig at chicken barbecue.

Pero bukod sa pagkaing Pinoy, nahihilig din daw siya sa traditional Pinoy massage na una nga niyang nasubukan sa BlueWater Day Spa. Katunayan, willing siyang dalhin dito sina Barbie at Kyline kung gugustuhin ng mga ito na magpamasahe.

“The traditional Filipino massage was new to me,” sey ni Bo Min, “but (it was) so good. I fell asleep halfway through. I’d also like to try the Korean HIFU treatment — it’s popular in Korea and helps define the face. That’s something I’m curious about.”

Ang choices ng K-drama actor ay reflection ng kinu-cultivate ng BlueWater Day Spa over the years: Ang mix ng authentic local treatments at globally-inspired offerings na swak sa Pinoy loyalists at international stars tulad niya.

Paglilinaw naman ng isang source, ang pagkuha ng kumpanya sa isang international ambassador gaya ni Bo Min ay hindi lamang isang PR move.

Anito, “It reflects the truth — that BlueWater Day Spa offers treatments and service standards that meet global expectations.”

Samantala, hindi na rin naman bago sa career sa abroad ang isa pang ambassador nila.

Matatandaang nagkaroon si Teejay ng acting career sa Indonesia at nakasama sa F4 version sa naturang bansa.

Pero ngayon ay naglalagi na siya sa bansa at sinabi na nakabili na siya ng bahay sa Pilipinas.

Maaalalang nakilala si Teejay noong pandemic sa BL (Boys’ Love) series na Ben X Jim at Ben X Jim Forever pero ngayon ay mina-manage ng Sparkle at ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Samantala, bilang parte ng 20th anniversary, inanunsyo ng spa ang pagkakaroon ng afternoon promo, kung saan may 20% off sa selected services hanggang Sept. 17, 2025 sa Greenhills, Banawe-Quezon City at Estancia Mall-Pasig branches.