Korean actor Ji Chang-wook, laging gustong bumalik sa Pilipinas


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 20, 2025 | 12:00am

Parang ang bait ni Ji Chang-wook.

Kahapon ay humarap siya sa ilang entertainment media bago ginanap ang IAM Worldwide’s 8th anniversary show titled DOMIN8 sa Mall of Asia.

Ito na ang third time na bumisita ng bansa ang Korean actor.

Dumating siya the other day sa Manila at ang gusto niya agad sa­nang gawin ay matulog.

Gusto rin sana niyang maglakad-lakad pero dahil hindi siyempre pwede, kaya nakipag-meeting na lang siya sa IAM Worldwide.

Maaalalang nung huling visit niya sa Pilipinas ay maraming nakakuha ng video sa kanya na namamasyal sa Greenbelt.

Nag-viral pa ‘yun.

Anyway, ipinakita rin niya sa nasabing media conference ang bagong campaign niya for IAM Worldwide.

Ang ganda na magkakaroon din ng official launching.

Bilib siya sa konsepto nito na ang mensahe ay healthy lifestyle kasabay ng tagumpay. “I really love the concept. I enjoyed the vibe of the shooting place, and I enjoyed filming it,” pag-amin niya.

At nang tanungin kung anong sikreto niya para sa successful at happy life: “I think there’s a very close relationship between a healthy lifestyle and success, and I think success is equal to a sound body and mind.”

At gusto raw talaga niyang bumalik-balik pa sa bansa dahil very warm ang mga Pinoy at nakita niya ang pagmamahal ng kanyang followers sa bansa.

“That actually brings me the desire for me to come back here in the Philippines. And also looking how hospitable they are, and their positive looks, and their cheers. Whenever I encounter that, I kind of feel that I want to come back here in the Philippines,” sabi niya sa pamamagitan ng kanyang interpreter.

At nang tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya na kasama niya kagabi ang sikat na P-pop girl group BINI with NTX, aniya ay isang honor.

“It’s really an honor to stand up on stage together with those artists, and I think the message that I want to share to the audience is that, thank you so much, it’s such an honor. Always stay healthy and always stay happy,” aniya kung anong mensahe ang gusto niyang sabihin sa kanyang fans na talagang grabe ang kilig sa kanya.

Pagdating naman sa secret para sa matatagumpay niyang portrayal sa kanyang mga K-drama: “I think it’s a very broad question for me.

“For me personally, I think it’s not really just scoping in the K-drama, but if the drama itself is good, it could be loved by anywhere in the world.”

Ano naman masasabi niya na sikat sa buong mundo ang mga Korean drama: “And I personally think that K-drama is being loved because the Korean culture itself is being loved by the people around the world. And for me, I just exert my very best to the point that it will not hurt the Korean culture.”

Bago dumating ng Manila si Ji Chang-wook, galing siya ng Bali, Indonesia. Dumalo rin siya sa Paris Fashion Week, kaya nga gusto sana niyang matulog.

Samantala, sa kasalukuyan ay abala si Ji Chang-wook sa The Manipulated na isang original Disney series.

Kasama niya sa nasabing series sina Doh Kyung Soo, Lee Kwang Soo, and Jo Yoon Su.

Kuwento ang The Manipulated ng isang tao na nakulong dahil sa maling akusasyon.

Mag-uumpisa itong mapanood sa Nov. 5.

Nang tanungin siya kung alin sa mga character niya niyang nagawa, aniya iba-iba ang mga ginampanan niyang character.

“Lahat ng karakter na ginagampanan ko ay iba sa aking personalidad,” sabi niya sa pamamagitan ng kanyang interpreter.

Pero ang kanyang mga karanasan daw sa pagganap sa mga karakter na ‘yun ay pala­ging nag-iiwan ng isang bagay na hindi mabubura na sa huli ay tumutulong na buuin at ipakita ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang hilig sa pag-arte.

Kabilang sa mga Korean drama niya ang Healer, Suspicious Partner, and The K2.