Kumpanya sa Batangas, niyanig ng bomb threat


Ed Amoroso — Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Niyanig ng bomb threat ang compound ng Brother International Philippines Corporation sa Barangay Ulanggo, Tanauan City, Batangas nitong Huwebes.

Nadiskubre ang liham ng pagbabanta sa Factory 3, sa 4th floor women’s restroom bandang alas-6 ng umaga kamakalawa.

Ang mga empleyado kabilang ang mga manggagawa at kawani ay agarang lumikas sa lugar bilang bahagi ng mga paunang hakbang sa pag-iingat ng kumpanya.

Agad ring nagsagawa ang ortoridad ng inspeksyon sa lugar at pagsasagawa ng K9 paneling at clearing operations.

Pansamantalang sinuspinde ang mga operasyon ng kumpanya hanggang sa ideklara ng mga awtoridad na ligtas ang lugar bandang alas-7:50 ng umaga.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng bomb treat at ang pagkakakilanlan ng salarin at ang posibleng motibo.

Isinasagawa ang police visibility at ocular inspection sa mga pabrika 1, 2 at 3.