August 25, 2025 | 12:00am
Halos araw-araw ang baha sa Metro Manila kahit konting ulan lang.
Kaya naman lalong sumisiklab ang galit ng mga tao sa corruption sa flood control projects.
Ang dami nga namang nagdurusa sa kakaunting ulan habang ang iilan, hindi alam kung paano gagamitin ang mga nakolektang luxury car at kung anong gagawin sa kanilang mga biniling ari-arian.
Pero iba naman ang para kay Kylie Verzosa.
Lagi sa kanyang tag-init.
Summer forever aniya sa kanyang recent bikini post.
Consistent si Kylie sa pagdi-display ng kanyang morenang katawan.
Kasama niya ang rich businessman boyfriend sa isang luxury resort pero wala pang face reveal ang karelasyon ni Kylie.
Same thing with Max Collins. Lagi niya ring binibida ang body beautiful niya kahit nagka-asawa’t anak na.
Si Max lang, slowly ay ipinakita na sa social media ang karelasyong rich Spanish businessman.
And contrary sa sinasabing may edad ito, hindi raw totoo.
Wala pa raw 30 years old ang sinasabing diumano’y karelasyon ngayon ni Max pagkatapos ng hiwalayan nila ni Pancho Magno.
Jackpot daw talaga si Max sa nasabing karelasyon kaya kinaiinggitan siya.
