My 7 memorable moments with Nay Lolit Solis


Una kong nakasama si Nay Lolit Solis sa GMA-7 sa talk show naming Tweetbiz. (medyo nene pa ako nyan!) Lagi nya akong niloloko na mas mayaman sa akin si Tim Yap na kasama namin sa show. (well totoo naman, mas maganda lang ako!) May mga pa-harbat kasi sa kanya si Tim, at ako wala. (poorita avila?!) Kaya nung magkaroon ako ng endorsement ng kape, give ko sya ng mga kape! Natuwa naman sya, pero tuloy pa rin ang pang-aasar nya sa’kin. (baka di nya type  yung coffee!) Nung maging endorser naman ako ng isang brand ng electric fan, give ko rin sya agad! Mas natuwa sya. Lumevel up na raw ako. (pero sana raw next time, aircon na!)

Nung umalis ako sa show namin para lumipat ng TV5, may maganda siyang sinabi tungkol sa kung paano raw ako maging katrabaho. (di ko na ispluk, basta na touch ako!) Kaya nung malaman kong may bago silang online show ni Cristy Fermin for Pilipino Star Ngayon, ang Take It Per Minute. Bumisita ako at nagdala ng mga electric fan! Pagpasok ko pa lang ng studio, sumisigaw na sya ng: “Hoy Mr. FU! may dala ka bang electic fan?!” (syempre pinalagay ko na sa kotse nya!) At dahil sa mga electric fan na yan, isinama na nila ako sa show at ginawa nang Take It Per Minute, Meganon! (at least may napala ako sa pag-effort!)

Ilang taon din kami nagkasama sa show pero dahil sa ‘di inaasahang pagkakataon, umalis si Cristy sa show. Ako naman, pinili kong samahan si Nay Lolit. (na isang tamang desisyon!) Itinuloy na-min ang aming nasimulan na kaming dalawa na lang at tinawag itong Take It Take It! Meganon! (kebs na sa mga fake news sa mga tunay na nangyari sa original naming show!)

Marami kaming kabaliwan ni Nay Lolit on and off camera. (at kagagahan din!) At bilang matagal syang nagtrabaho sa GMA7, naglista ako ng 7 memorable moments with Nay Lolit. (kulang yung 7 pero baka sabihin nya ang OA ko na!)

Ipinagtanggol nya ako sa isang sikat na female TV Host na inokray ako, as if ang galing galing ko! (pinabasa talaga sa’kin yung text messages nila sa isa’t isa!)

‘Pag nalalaman nya na magbabakasyon ako abroad, kikitain nya ako para bigyan ng USD! (or ipapaabot kay Tito Gorgy!)

Nung nalaman niyang nag-resign ako sa Radio Show ko, tinawagan nya ako para bigyan ng raket (ayaw nya raw ako maghirap!)

Nung binisita ko sya minsan sa Dialysis nya, bigla nalang nya akong pinasama sa naka-schedule na out of the country vacation ng mga alaga nya. (as in free ha!)

Ako nag-host ng 77th birthday nya. (regalo ko na dapat sa kanya yun, pero give pa rin sya talent fee ko!)

Tuwing may nagbibigay sa kanya ng harbat, at kasama nya ako, may harbat din ako! (sya ang Queen of harbat! Sana ako ang princess!) ‘Yung mga out of the blue na usapan namin sa text. Okrayan at tawanan lang kami. (pero minsan nagsasabi ‘yan ng I love you at friends forever!)

Sa kanyang pamaaalam, mananatili siya sa puso ko. (forever!) Thank you and Super love kita, Nay Lolit. (walang halong kaeklayan!) Rest in Peace and Happy Harbat in Heaven!

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com