Kyline, nagkuripot sa kanyang birthday!


SHOWBIZ NEW NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

September 12, 2025 | 12:00am

Hindi nagkaroon ng engrandeng selebrasyon si Kyline Alcantara para sa kanyang ika-23 kaarawan noong Sept. 3.

Para sa Kapuso actress ay mas mahalagang ilaan ang kanyang pera sa mas importanteng mga bagay kaysa ipagdiwang ang kaarawan. “Hindi po ako tipo ng gano’ng tao, imbes na igastos ko ‘yung pera ko sa birthday celebration, sa kuryente na lang at tubig (gastusin ang pera). Ganyan, sa bahay, sa pamilya, sa tuition, ganyan na lang. Pero I’m just so lucky that I have people who really loves me and appreciates me, and takes care of me. Sila po talaga ‘yung nagbibigay ng celebration na ‘yon para sa akin. Actually, simpleng dinner lang po, okay na po ako,” nakangiting pahayag ni Kyline sa 24 Oras.

Sa nalalapit na pagwawakas ng Beauty Empire ay magkahalong emosyon ang nararamdaman ng dalaga. Mas lumalim umano ang pagkakaibigan ni Kyline at ang kapwa-bida sa serye na si Barbie Forteza.

“Siyempre malungkot po pero for sure I will miss Shari as a character. Mami-miss ko rin naman po siyempre ‘yung samahan naming buong cast doon. For sure hindi naman do’n magtatapos ang aming relationship, especially Barbie and I. Tuluy-tuloy pa rin naman ang aming chikahan, tsismisan,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Ayon kay Kyline ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksena ngayong malapit nang magwakas ang naturang GMA series.

“For sure merong plot twist pa na gagawin si Shari na gugulo na naman sa buhay ni Noreen (karakter ni Barbie),” pagtatapos ng dalaga.

Richard, pinaghandaan si Ivana

Magbibida si Richard Gutierrez sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins na nakatakdang ipalabas sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2025. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makagagawa ang aktor ng naturang horror film franchise. “It’s so exciting to be part of Shake, Rattle & Roll. I’ve done a lot of films for Regal since I was a kid pero ito ‘yung first na Shake, Rattle & Roll ko. I’m super excited about it. And it’s the comeback of Shake, Rattle & Roll and the script, the character, everything, the storyline is just good and exciting for me. And from the moment na nabasa ko ‘yung script, sabi ko, game, let’s do it,” bungad ni Richard.

Malapit umano sa puso ng aktor ang karakter na kanyang gagampanan sa bagong pelikula. “’Yung special sa character is the bond that he has for the family and the people that he’s surrounded with. And the importance of survival for himself and survival for his family and he will do everything for his family. ‘Yon ang nakikita ko sa role,” paliwanag niya.

Bilang paghahanda sa shooting ay kailangan pa umanong mag-physical training ni Richard at ilan pang makakatrabaho sa naturang horror film katulad ni Ivana Alawi. “We are going to do a lot of preps for this film. Actually, I’ve been preparing na for this film but I think as a unit, we will have a few days of preparation just to get everybody on board, same page. So exciting din ‘yon kasi first time ko makakasama ang ibang cast members and we are going to do some physical training for this film,” paglalahad ng aktor.

(Reports from JCC)