Leila, ikakasal ulit sa December!; Ogie, papasikatin ang singer sa parking lot


Ikakasal ulit sa Pilipinas ang anak ni Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na si Leila na nauna nang ikinasal sa Australia.

Para raw ito sa pamilya nila sa bansa na hindi nakadalo sa kasal nito kay Curtismith noong May 29 sa Sydney, Australia.

Gaganapin ito sa Dec. 15, sa isang island.

 Actually, gusto niya sana na magkaroon sila ni Regine Velasquez ng renewal of vows dahil 15 years na sila this year pero ayaw raw nilang sapawan ang second wedding nina Leila and Curtismith.

 Kaya nagsulat na lang siya ng kanta para sa misis na ilalabas niya rin sa December.

Samantala, formal na ipinakilala ni Ogie ang aspiring singer na dati ay sa parking lot lang kumakanta na nakilala nila ng misis niyang si Regine nang kasama itong nag-ayos ng kanilang Christmas decor sa bahay last December, si Jake Villamor.

Ayon kay Ogie, matagal ang naging process bago nag-workout ang pagiging talent ni Jake ng A-Team Talent Management.

Pang-4th talent ng A-Team si Jake, makakasama niya sa team sina Lara Maigue, Poppert Bernadas and Ferdinand Aragon na lahat ay singer din.

May iba pa siyang talent na mina-manage noon pero nagkaroon ng kontrobersiya sa abrupt na paglayas nito sa kanilang team, hindi nagpaalam nang maayos, at nagdala pa ng staff.

Pero ayaw nang sagutin ni Ogie ang tungkol dun. Pakiramdam niya ay maliit lang ang industriya at magkikita-kita rin naman sila sa isa sa mga araw na ito.

Na totoo naman.

Anyway, nabanggit din niyang ang misis niya ang unang nakakita ng potential ni Jake.

Naalala niyang December last year nang malaman nga nilang kumakanta ito. Pinag-usapan nila ni Regine pero hindi kaagad nila nabalikan si Jake.

More than six months. Kaya aminado si Jake na parang nawalan na siya ng pag-asa.

“Andu’n na ako sa moment na parang I’m already trying to move on, get over it, moving on with my life,” pag-alala ni Jake kahapon sa media launching ng A-Team.

Naisip niya ring: “Baka may nakita siya (Ogie) na hindi nagustuhan, ayaw na niya akong i-push as one of his talents.”

Hanggang noong April ay nakatanggap siya ng message from Ogie.

Sinabi raw sa kanya na magiging bahagi siya ng music video ng bagong single nitong Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo.

“Nag-message siya sa akin sa Instagram, ‘Jake, please standby, kasi I want to cast you for my next video.’ Du’n na po kami nag-constantly nag-usap uli.”

Matagal na raw niyang pangarap na maging singer.

Na inumpisahan niya sa pag-awit sa parking lot na ginawa niya for almost a year at saka niya ina-upload sa kanyang social media account.

At nakita ni Ogie ang progress ng boses niya.

Kaya’t may oras aniya na hindi siya (Jake) makapaniwala na alagang-alaga na siya ng team ni Ogie.

Kaya grateful and thankful ang baguhang singer na nahanapan na rin ng kanyang manager ng endorsement.

Makulay ang buhay ni Jake, dati siyang seafarer at para matupad ang longtime dream, lumuwas siya ng Manila.

Sa post ni Ogie, seryoso siyang pasikatin si Jake. “The pandemic rocked the world with lives changing, refocusing, resetting. And for some, it was a period of changing paths, just like Jake Villamor.

“After spending 6 years as a seafarer, he docked in his hometown in Iloilo, and reassessed his dreams. And that’s when he decided to turn into singing on live streaming apps

“Armed with his live streaming savings. he found his way to Manila in 2022. Going through some struggles and questioning his choices, he waited patiently for that break he was yearning for. And the wait is finally paying off.

“Jake recently signed with A-Team, the events and artist management company lead by OPM icon and King of OPM, Ogie Alcasid.

“With the knowledge, experience and support of Ogie, the path to Jake’s dreams is setting a new course, and a new adventure awaits, slowly but surely,” sabi niya sa kabuuan ng kuwento ng bagong alaga.