Rockstar vibe ang Korean pop superstar na si Lisa nang dumating Oscars 2025 red carpet kung saan gumawa siya ng history bilang kauna-unahang Korean pop star na nagperform sa Academy Awards na ginanap kahapon (American time).
Habang ang lahat ng mga dumalo ay naka-sexy glam, naka-tuxedo naman si Lisa na gawa ng isang Mark Gong.
Aniya sa interview ng E! gusto naman niyang ipakita ang kanyang ‘different side.’
Kamakailan ay nakipag-collaborate si Lisa kina Doja Cat at Raye para sa kanyang single na Born Again bago sila nag-perform sa Oscars para sa kanyang unang debut solo album na Alter Ego.
Noong 2024 naman ay naglabas si Lisa ng tatlong single kabilang ang Rockstar.
Anyway, maalalang mas nauna nang nag-perform ng ating kababayang si Lea Salonga sa Academy Awards noong 1993 kung saan kinanta nila ni Brad Kane ang A Whole New World na theme song ng pelikulang Alladin.
Live And Let Die na theme song ng James Bond movie noong 1973 ang kinanta ni Lisa na kasama para extended tribute sa James Bond franchise.
