Lolit Solis, hinandugan ng misa sa kanyang 40th day ng pagkamatay


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

August 13, 2025 | 12:00am

Naka-40 days na since bawian ng buhay si Nay Lolit Solis.

Parang kamakailan lang nang siya ay sumakabilang buhay.

Si Cong. Lani Mercado ang naging abala sa nasabing memorial service para sa kanilang talent manager ni former senator Bong Revilla na ginanap sa Valencia Events Place. “Forty days mula nang iwan mo kami, Nay Lolit. And we miss you every day. Miss namin ang tawa mo, ang mga biro mo, ang mga kuwento mo. We love you so much!,” sabi ni Cong Lani.

Dumating din ang iba pang mga alaga ni Nay Lolit na sina Sandy Andolong, Paolo Contis, Benjie Paras, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Direk Chito Roño at ilan pa niyang malalapit na kapamilya at kaibigan.

Pumanaw si Nay Lolit sa edad na 78 noong July 3 habang nagda-dialysis.

Samantala, pumanaw na rin ang beteranong filmmaker na si Francis “Jun” Posadas, na nagkilala sa kanyang mga pelikulang action at adult film noong dekada ‘80s and ‘90s.

Ang pagkamatay niya ay kinumpirma ng kanyang anak na babae, si Susan Kelly, sa pamamagitan ng isang post sa Facebook noong Martes, Agosto 12.

Ang sanhi ng kamatayan ay hindi naman sinabi.