Lumuhod ng TV5, naka-isang taon sa ere!


Nakatakda nang magwakas ang hit action-drama series ng TV5 mula sa orihinal na likha ni Carlo J. Caparas, ang primetime favorite na Lumuhod Ka Sa Lupa.

Tumagal din ito ng isang taon sa ere.Lumuhod Ka Sa Lupa Stars

Sa nalalabing apat na linggo, asahan ang mas matitinding laban at emosyonal na paghaharap na ikagugulat diumano ng mga manonood!

Bida sa seryeng ito ang new gen primetime leading man na si Kiko Estrada bilang Norman Dela Cruz, isang anak na uhaw sa hustisya at hindi titigil hangga’t hindi niya napananagot ang may sala. Mortal niyang kalaban si Benito Balmores, ang kasuklam-suklam na karakter na ginagampanan ng batikang aktor na si Gardo Versoza. Kasama rin sa powerhouse cast sina Rhen Escaño, Sid Lucero, Ryza Cenon, at Althea Ruedas.

Dahil sa matinding pagganap ni Kiko, nabibilang na siya sa hanay ng mga magagaling na action stars sa industriya.

Sa nalalapit na huling yugto ng action series, isang tanong ang bumabagabag sa lahat: Makakamit ba ni Norman ang hustisyang matagal niyang hinahanap?

Magagawa ba niyang buuin ang pamilyang matagal niyang pinangarap?

“We are incredibly proud of how Lumuhod Ka Sa Lupa has become one of TV5’s standout original drama offerings. This wouldn’t have been possible without our talented cast, the creative minds at Sari-Sari, as well as the sustained support of every Kapatid here and abroad,” pahayag ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

Abangan ang huling laban ng galit, pag-ibig, at paghihiganti sa Lumuhod Ka Sa Lupa na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:15 p.m. sa TV5’s #TodoMaxPrimetimeSingko, pagkatapos ng Frontline Pilipinas, at may catch-up replay ng 8:00 p.m. sa Sari-Sari Channel.