Maricel, nagpa-discoplasty sa Singapore! | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 22, 2025 | 12:00am

Sa Singapore na nagpagamot si Maricel Soriano ng spinal arthritis.

Ito ang inamin niya sa interview ni Bianca Gonzalez sa BRGY sa TFC.

Sumailalim pala siya sa discoplasty.

Matagal-tagal nang nagtitiis ng sakit sa likod ang mahusay ng aktres at may pagkakataong hindi na siya nakakalakad.

“‘Yung ginawa nila ‘yung back ko muna. Alam mo ang galing nila kasi walang operation na naganap. Ang tawag nila dun sa ginawa sa akin is discoplasty. May eight holes ako sa likod tapos robotics na ‘yung gumawa,” pagbibigay ng impormasyon ni Marya.

At mabilis daw nawala ang nararamdaman niyang sakit sa likod.

“Pagtayo ko wala nang sakit. Instantly magaling na ako,” sabi pa niya.

Nakasaad sa singaporebrain.org, na ang “Discoplasty refers to the treatment of the Spine Disc (the soft gel-like substance between the spine vertebrae or hard bones) without physically cutting it or replacing it.  Discoplasty refers to a process to reduce dangerous accumulation of pressure within the disc which leads to disc protrusion, extrusion and even a burst part of the disc called sequestration that can damage spine nerves can lead to weakness, numbness and even paralysis.”

Maaalalang inilahad ni Maricel ang kanyang karamdaman sa isang vlog:  “Kasi ‘yung spine ko may arthritis hanggang leeg ko. Tapos nung first na-experience ko ‘to in-injectionan na ako sa likod. Tapos ‘yung sumunod dahil hindi pa nawawala ‘yung pain, kasi side lang eh, so ginawa nila mismong sa spine nila ako sinaksakan ng steriods,” sabi niya noong nakaraang April.

“Tapos matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad tsaka ‘yung paa ko, manhid, parang may mga karayom na tumutusok.”

May pagkakataon na binubuhat pa siya dahil hirap na siyang kumilos dahil sa nasabing sakit.

Sa Singapore rin nagpaopera si Zsa Zsa Padilla.

Sumailalim siya sa robotic operation sa Singapore. At aniya ay wala rin siyang naramdamang sakit, hindi rin gaanong matagal ang kanyang recovery. Wala rin itong gaanong peklat.

Sa kasalukuyan ay umiinom pa rin si Zsa Zsa ng antibiotics pero wala na siyang sakit na nararamdaman. (Ipinanganak si Zsa Zsa na may mega ureter. Ang kaliwang ureter niya ay kasing laki ng sausage kung saan dapat ay manipis na tubular structure lang ito tho ang kanan nito ay normal.)

Anyway, hindi na ba talaga kaya sa ating bansa ang mga ganu’ng procedure?