Nasapawan na kaagad ang diumano’y umbagan sa ABS-CBN Ball. Wala kasing naglabas ni katiting na masasabing resibo na nagkaroon ng physical encounter sina Daniel Padilla at Kyle Echarri, kaya tsugi agad ang nasabing kontrobersiya.
Pulos haka-haka lang ng mga social media user ang naglalabasan kaya hindi lumaki.
Mas trending ngayon ang kontrobersiya sa kasal ni Claudia Barretto sa miyembro ng ultra-rich family ng mga Lorenzo, si Basti Lorenzo.
Matapos ang mga paghihimutok ni Dennis Padilla na bisita lang siya at hindi naman father of the bride, obviously hindi na nakatiis si Marjorie Barretto.
Nagpa-interview rin siya kay Ogie Diaz kung saan naunang nagpa-interview ang ex niyang komedyante.
Mas pasabog ang mga sinabi ni Marjorie dahil first time na nagsalita at nagkuwento tungkol sa naging relasyon nila at ang mga diumano’y ginawa nito sa kanya noong sila pa at ang pagiging ama nito sa kanilang mga anak na sina Julia, Leon at Claudia.
Ang impression ng lahat ay si Marjorie ang pumipigil kaya hindi nakikita ni Dennis ang mga anak.
Pero parang bomba na sumabog si Marjorie matapos ang kontrobersya sa kasal ng anak nila.
Hindi lang diumano physical abuse, kundi verbal abuse ang naranasan niya sa ama ng kanyang mga anak ayon kay Marjorie na hindi niya alam kung saan nanggagaling ang masasakit na salita noon ni Dennis.
At matindi ang sinabi niya na nabasag ang kanyang eardrum na matagal niyang tiniis dahil sa ginawang pananakit sa kanya ng komedyante.
At alam diumano ito ng kanyang mga anak, lahat ng mga nangyari sa kanila ay alam na alam daw ng kanila mga anak nila base sa interview niya kay Ogie kaya’t protektado siya ng mga ito.
“God is my witness, ako ang sinisiraan niya sa mga anak ko. Dennis ‘wag mo itong ide-deny ever dahil ang lagi mong sinasabi sa tuwing susunduin niya ang mga anak ko, ‘Paglaki n’yo, I will tell you what your mom did to me. Paglaki n’yo… All the time.
“My children are protective of me. Ito ang hindi ko maintindihan, ayaw mong maging tatay nila, he never fought for joint custody, never niyang hinihiram for sleepover ang mga anak ko simula nu’ng bata sila.
“Gusto mo ako ang magpaaral, ako ang financially 100% was me for 18 years, pero gusto mo akong siraan sa mga anak mo? So, what did you want to happen? Umuwi sila sa bahay ko, ako ang magpalaki pero galit sila sa nanay nila?
“But I’ve always been honest with my children I’ll never lie to my children, so, alam nila ang buhay ko. So, my kids will always gets so irritated, okay we’re big already, okay what did she do that we don’t know ‘di ba?
“And Dennis forget that they grew up in a household na parati kaming nag-aaway. Bago ko naman iniwan si Dennis ay 14 years na akong nagtitiis. They grew up and they know kung ano ‘yung naging sistema ng aming pamumuhay as a married couple,” pag-alala niya sa nangyari sa kanila ni Dennis ilang taon na ang nakakaraan.
Meron din daw itong bad temper na aniya ay hindi lang naman siya ang nakakaalam. “He was physically abusive to me, he has a very bad temper and I’m sure maraming makakaalam nito na kung gaano siya nakakatawa sa mga tao, exact opposite siya.”
Dinagdag pa niyang: “Konting bagay lang na away, manununtok na ‘yan, mananampal na ‘yan! My kids saw that.
“And the biggest physical abuse that he did to me was when Julia was few days old, kakapanganak ko palang sa kanya.
“Galit siya sa akin, parang I complained about something naglalakad ako… I don’t know why I’m telling you this, I never spoke about it.
“Naglalakad ako papasok ng kuwarto from the back, he hit me so hard, laking tao ni Dennis. He hit me so hard in my ear lumipad talaga ako kasi hindi ako nakailag na talagang nawala ‘yung eardrum ko.
“Julia was days-old like baby. Up to this day I suffered that. Wala akong eardrum it had to be years after na-surgery ‘yun sobrang lakas ng impact niya.
“I had to go to surgery that they had to recreate an eardrum, they had to get a portion of my skull to make it an eardrum and to this day my kids when they remembered that only because nawala na naman ‘yung graft and one infection of the ear because I’m prone to that, nawala na naman. So, every time I have colds, dito (sa tenga) lalabas, so, every time my kids see that they’re reminded that what the father is. Dennis has a very explosive temper,” mabigat pang pasabog ni Marjorie kay Ogie Diaz.
Tinanggi rin ni Marjorie na nag-iiyak ang nanay ni Dennis sa kasal ni Julia dahil hindi sila nabigyan ng importansiya. Aniya ay hindi totoo ‘yun dahil magkausap sila at masaya ito para sa apo. At hanggang ngayon daw ay nirerespeto niya ito.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang pahayag o post si Dennis o kanyang kapatid na digital creator niyang kapatid na si Gene na hindi naman pala invited sa nasabing kasalan.
